Manzanilla -- keep it or throw it?

Hi, mommies! Madaming nagsasabi na hindi maganda ang manzanilla sa babies. Sa inyo ba? Effective ba si manzanilla? Or may masamang experience kayo sa manzanilla? Or ano alternative niyo kay manzanilla? FTM here and due on August 2020, nagsstart na ako magstock up ng baby essentials. Nang makita ng sister ko ito'ng manzanilla na nabili ko, sabi niya itapon ko raw. ? Baka kasi kapag nakita ng mga matatanda e ipahid bigla kay baby. Thank you, mommies! Good day. ?

Manzanilla -- keep it or throw it?
98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Attached photo is yung note ng pedia sa baby ko. Actually according to matatanda is for protection daw yung manzanilla pero sa ngayon pinagbabawal na sya. Natanong ko po sa pedia, eto po sagot nya. Manzanilla is an oil. Oil is mainit sya sa skin. Ang skin ni baby lalo na pag newborn is napaka nipis. May tendency na baka if mapadami sa pag lagay eh mas iba ang reaction sa baby. Kaya ipinagbabawal nila.. Anyways sabi ng pedia dapat iwasan na naka hubad si baby lalo nat bagong ligo para hindi sya manlamig, o di kaya wag hayaan umiyak ng matagal and always put bonet esp if nasa labas or gabi for protection sa malambot na part sa ulo ni baby. Sinunod ko po lahat sabi ng pediabat effective naman. Hindi naman po kasi yan ipagbabawal kung wala syang reaction sa akin sa baby. ❤❤❤❤❤❤

Magbasa pa
Post reply image