Manzanilla -- keep it or throw it?

Hi, mommies! Madaming nagsasabi na hindi maganda ang manzanilla sa babies. Sa inyo ba? Effective ba si manzanilla? Or may masamang experience kayo sa manzanilla? Or ano alternative niyo kay manzanilla? FTM here and due on August 2020, nagsstart na ako magstock up ng baby essentials. Nang makita ng sister ko ito'ng manzanilla na nabili ko, sabi niya itapon ko raw. ? Baka kasi kapag nakita ng mga matatanda e ipahid bigla kay baby. Thank you, mommies! Good day. ?

Manzanilla -- keep it or throw it?
98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

MUST READ! AS PER PEDIA. Mga mamsh just wanna share. ,please take time to read this! I know most of the mommies here is applying manzanilla and baby oil to our babies,right? Last mos may monthly check up si baby ko(3mos old now) she has colds and cough but thanks God ok and need lang ng nasal spray,si pedia every check up may lecture sameng magasawa. He asked us (BTW he is a 2decade pedia na) if we're using BABY OIL and manzanilla,and we said YES,we used manzanilla if my baby has a colic or kabag.. And baby oil para di daw pasukin ng lamig.He said its a BIG NO. Baby oil and manzanilla can cause PNEUMONIA. most babies (90%)as of today ang sakit is pneumonia, naiiwan ang oil sa katawan ni baby,ang germs hindi natatanggal since hindi humahalo sa water, nung panahon naten 90's is applicable pa ang manzanilla,but as of now hindi na daw at isa eto sa factor na nakaka pneumonia dahil din sa climate change,if your baby has a colic/kabag, just do the hot compress. Don't use oil, wag din matakot paliguan ng hapon ang baby, tandaan daw, ang baby sa tyan naten ,24/7 nasa tubig at dun sila nabuhay. take time to search mga mamsh, walang masamang sumunod sa pamahiin naten, but ask ourselves, does everything that we used to follow is still applicable today? Remember,iba noon,iba ngayon. Anyways sa mga mamsh na hindi naniniwala dito,its ok,im just sharing this knowledge and hindi ito haka, this is from a senior pedia na nakasaksi ng evolvement ng panahon 😊😊😊. Godbless 🤗 EDIT: ADD papo, wag din ilabas si baby before 5pm ,lahat ng polution,pababa na sa.lupa,dun magkakasakit si baby,& hindi daw po ulo ang tinatakpan pag gabi or hapon para di mahamugan,kundi ilong at bibig po 😊 Avoid bringing your child at mall, dun nakakakuha ng sakit mostly ,why? Ang viral infection, 30mins bago mawala sa Airconditioned place while at ang open area,it take only seconds (DR.bibiano & annelyn Reyes) pedia pulmo & pedia infectious #CCTO #SharingIsCaring

Magbasa pa
5y ago

Hays. Ayoko sana lagyan ng oil or manzanilla baby ko dahil bawal nga kaso ang biyenan ko naman ang nagsasabi na lagyam daw. Ayoko na magsalita dahil alam ko ako nanaman masisisi kapag umiyak si baby. Tuwing umiiyak kasi si baby at ayaw magdede sasabihin kinakabagan lalo na pag hindi ko nilagyan ng oil or manzanilla. Hindi ko na mapaliwanag yung side ko dahil di naman sila nakikinig sakin. Naiinis at naiiyak na lang ako. 😔

Attached photo is yung note ng pedia sa baby ko. Actually according to matatanda is for protection daw yung manzanilla pero sa ngayon pinagbabawal na sya. Natanong ko po sa pedia, eto po sagot nya. Manzanilla is an oil. Oil is mainit sya sa skin. Ang skin ni baby lalo na pag newborn is napaka nipis. May tendency na baka if mapadami sa pag lagay eh mas iba ang reaction sa baby. Kaya ipinagbabawal nila.. Anyways sabi ng pedia dapat iwasan na naka hubad si baby lalo nat bagong ligo para hindi sya manlamig, o di kaya wag hayaan umiyak ng matagal and always put bonet esp if nasa labas or gabi for protection sa malambot na part sa ulo ni baby. Sinunod ko po lahat sabi ng pediabat effective naman. Hindi naman po kasi yan ipagbabawal kung wala syang reaction sa akin sa baby. ❤❤❤❤❤❤

Magbasa pa
Post reply image

Gumagamit ako nyan momsh big help for me, newborn until now 14 months baby ko, lalo na nung new born pag Hindi nkka poop baby ng isang araw pahidan ko lng nkka poop na agad, walang kabag baby ko dahil jan... Pero it depends on you momsh if maniniwal ka sa nagkalat na post about manzanilla na nkka pneumonia daw. Depends on you prin kung gagamit ka nasa atin ang decision tayo ang nanay.... You can Check DR. RICHARD MATA sa YouTube account nya his a pediatrician may video sya about manzanilla and vics. Best explaination, he did not say nkka pneumonia ang manzanilla po

Magbasa pa

Sakin po wala namang naging hindi magandang effect sa baby ko, gingamit ko lang yung manzanilla para sa tyan nya tapos nung mas baby pa sya nilalagyan ko sya sa pwet pag di maka utot yun ksi turo sakin effective naman kay baby, yung sa tyan naman para hindi kabagin or minsan para pag kakinakabag. Nung mas baby pa sya nilalagyan ko din konti sa binti at talampakan para di daw lamigin. :)

Magbasa pa
VIP Member

Ginamit ko din siya sa 1st anak ko lalo pag fussy siya. Ang advice ng pedia ni baby super onti lang kasi baka maburn ang skin ni baby. Sinunod ko lang yun. Hindi naman siya nagka pneumonia. Never pa din siya nahospitalize. Nasa pag gamit din siguro. Observe din kung may ibang reaction si baby since iba iba naman ang akin types.

Magbasa pa

Effective po talaga to sa kabag pero ginamit ko lang yan pag feeling ko uncomfortable na si baby nagkaka rashes kasi siya kinabukasan pero pag naligo na nawawala lang din. May iba kasi kung saan-saan nila pinapahid. Pinapahid sa bunbunan at iba ginagawa pang lotion. Sa tiyan lang po pag may kabag lalo na sa gabi tapos massage lang.

Magbasa pa
VIP Member

Lol para sa ate mo haha😂✌🏻 kailan po naging masama ang manzanilla sa baby ..isa po iyan sa pinaka need ng baby mo mommy isipin mo nlng po pag knakbag at masakit tyan nya ano po ilalagay mo efficascent? Hmmm.. kaya keep mo lang iyan kahit ikaw po mgagamit mo po iyan👍🏻😊

Effective siya sa kabag. Been using manzanilla since nanganak ako nung Aug. 21 nilalagyan ko paa at tiyan ni baby pati bumbunan niya. Sabi ng mommy ko kasi ganyan din kami ng baby pa kami ng kapatid ko proven na niya na nakakaalis ng kabag. Wag ka lang maglalagay sa kamay ni baby.

Life saver yan mommy hehehe kapag kinakabag si baby ko yan gamit ko. Tas after nya maligo, gamit ko yan. Hinhilot ko buong katawan nya, pati baba ng likod nya para makautot sya, tas sa bumbunan nya nilalagyan ko nyan. Wag nyopo itapon, sobrang kailngan nyo nyan!!! Swear!❤️

ako nanay di nag lalagay ng kahit ano kay baby reason ko kasi ayoko masanay si lo na di pwede maligo pag hnd napahiran ng manzanilla. katulad ng mga kilala ko klangan tlaga napahiran para di magkasipon. thank God nmn di pa nag kakasakit si lo 5 months n xha this coming 13 😊😊

5y ago

Pano po ginagawa niyo if may kabag si baby?