Fetal Movement

Mommies. I'm currently pregnant with twins at 23 weeks na po ako ngayon. Noong nakaraang araw ang likot2 po nila. Ngayon naman pong malapit na ko mag 24 weeks parang ang dalang na lang nilang gumalaw. Nag iiba po ba talaga ang pattern nila? Ano na po kaya ito? Nag aalala po kasi ako. Sana po masagot 🥺

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

baka po natutulog hehe, kausapin niyo po sila mommy. ganiyan din po kasi ako nung preggy pa ako baka natutulog lang.then monitor niyo po yung pag galaw nila baka mas active sila ng ganung oras and mas tulog sila sa ibang oras. kung hindi naman po kayo mapalagay text or visit na po kayo sa ob niyo. 😊

Magbasa pa
3mo ago

Ganun din sakin mi. Nag preterm labor po ako last year. Kaya ganun na lang ang takot ko. May doppler naman ako pero parang sira po kasi hindi po talaga marinig dun ang heartbeat. Kinukulit ko na lang po ang mga babies from time to time. Hayyy hirap naman 🥺

Mag count po kayo ng bawat kicks ni baby, search po kayo ng normal count ng kicks ni baby kada oras. Then pacheck up po kayo agad if not normal na para sure na safe si baby. Ganyan po kasi nangyare sakin, stillbirth si baby :(

3mo ago

Ok po. Thank you

mgpacheck up ka momshie dn ask mu sa ob mu sakin mg 22weeks na din aqo dalang dn gagalaw baby ko

Waiting po ako sa mga answers niyo..