No yolk sac and fetal pole

Hi mommies. I'm 5 weeks and 2days pregnant. Nagpa ultrasound ako (TVS) hindi nakita ang yolk sac and fetal pole. Gusto ng OB ko i-raspa na ako agad agad. Normal lang ba na wala talaga yolk sac and fetal pole? Kinakabahan na kasi ako.

90 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Possible blighted ovum. Sa case ko nag ask ako ng 2nd opinion sa ibang ob. Same advice pwede pa daw hintayin ng another 1-2weeks baka may changes at may mabuo kaya niresetahan ako ng mga vitamins at gatas. Bumalik ako sa ob ko at sadly wala talaga, advice nya sa akin if another week sa ultrasound wala talagang nabuo iraraspa na ako or dasal nalang na kusang lalabas yung inunan or ano mang term nun. Lumabas naman kusa yung sa akin yung parang dinugo ka pero malakas na umabot ng 5-7days. Tapos check up ulit at ultrasound to check na lumabas na lahat at macheck if no need na iraspa. Sobrang nalungkot ako nun, pero after namin magtry ulit ng husband ko ay nakabuo na din kami at meron na akong 6months old na cute at malusog na baby girl.hehehe

Magbasa pa