No signs of lactation / Milk Formula for newborns

Hi mommies! I'm 37 weeks pregnant and pwede na manganak any day now. Di pa rin po ako nag lalactate and parang ang liit po ng boobs ko. Ever since before my pregnancy petite na babae na po ako. How will I know if may milk na lalabas sakin? Is this normal na wala pa din lumalabas? If ever wala nga po na milk lumabas sakin kahit gusto ko mag breastfeed, ano po ba ma rerecommend niyo na formula milk na bilhin ko? Thank you mommies

No signs of lactation / Milk Formula for newborns
67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi po ng ob ko, imposibleng walang gatas ang mommy. Meron na po yan mommy, pag lumabas na si baby at walang lumalabas na gatas sayo ipasipsip niyo lang po ng ipasipsip kay baby kasi sabi po sakin ng nurse nung nanganak ako, may nasisipsip po yan si baby kahit mukhang wala. And sabi po yung laway ni baby magsstimulate or magssignal sa body na magproduce ng milk.

Magbasa pa

Petite din po ako dati (dati kasi mataba na ako ngayon) nong buntis ako. Wala din po akong dede as in flat na flat. Kung may mas maliit pa sa cup A ganun ang size ng dede ko. Pero nakapag breastfeed po ako ng mahigit isang taon. Lahat ng babae may gatas po. Wala po din lumalabas na gatas sa akin ng buntis ako tsaka nalang after 4 days ko manganak.

Magbasa pa

Search ka muna about correct latching and lactation or any info about breast feeding... for some women, hindi yan kusang lumalabas lang... you have to stimulate it correctly after giving birth.. you have to put some.effort... please wag ka muna mag think about resorting to formula milk... do something para maka breastfeed ka :)

Magbasa pa

Ako 1day after ko manganak dun lang ako ngkagatas sobrang konti pa.. pero 1month before umiinom nako ng malunggay capsules.. malaki boobs ko pro ang konti ng gatas ko.. pag nagpump ako ng 1hr 1 to 1.5oz lang pnka mraming napa pump ko.. kaya ung pedia bnigay nyang formula is similac neosure.. 35weeks lang kasi nung lumabas baby ko..

Magbasa pa
VIP Member

Ang ginawa ko para malaman if pwede ba akong makapag bfeed is inobserve ko yung utong ko may mga nanunuyo na maliliit na puti then tinatanggal ko lang yun at minsan pinisil ko boobs ko, ayun may lumalabas na milk. Di ko pinisil masyado para pag si baby lumabas maiinom niya pa yung unang patak which is good daw para sa kanya.

Magbasa pa

Hi sis! Same tayo ng body built. Hehehe. Di ka renesetahan sis ng malunggay capsule? 30 weeks na kasi ako ngayon and wala pa rin akong gatas, sabi ng OB inom daw ng malunggay capsule at 32 weeks. Sabi rin ng mom ko, kain lang daw ako ng mga sabaw para magkamilk ako. Maybe that will work, aside from taking lactating milk.

Magbasa pa
5y ago

Ako po walang ininom na pampaboost. Basta nagpadede lang pagkalabas ni baby. Til now 6months ebf kami. Basta unli padede lang. Feed on demand din, dadami gatas mo 💕

Petite din po ako bago mabuntis and up to now 38 weeks na akong buntis, payat pa din. Pero as early as 5 months may lumalabas na po na gatas saakin. Wala naman po akong iniinom na gatas like amnum. Mga vitamins lang po na nireseta ng OB. Tas todo ulam ng masasabaw lalo na yung may malunggay. First baby ko po ito.

Magbasa pa

Same tayo moms , 36 weeks and 3 days ako ngayo. Nag prepare na ako, bumili nlng ako nang enfamil maliit na can , just in case pagkalabas ni baby wala talaga syang ma dede sa akin .. pero sabi nmn nila may lalabas nmn daw unlilatch lang pero kawawa baby ko kung mag hihintay ilang araw walang ma dede .

Magbasa pa

First time mom din ako and wala pang milk before my baby arrived saka lang ako nagkaroon nung lumabas na siya pinapa dede ng pinapa dede ko lang sakin and also I try to pump hanggang sa nagkaron ako. I also take malunggay capsules and water with chia seeds, sobra dami ko na gatas maya maya pump😅

breast size has nothing to do with your milk production.Proper latching and stimulation is the key for milk production, wag ka po maPressure if wala pa milk ngayon kc your baby is still inside you wala pa magStimulate sa breast mo to signal na need na nya magproduce ng milk.