No signs of lactation / Milk Formula for newborns

Hi mommies! I'm 37 weeks pregnant and pwede na manganak any day now. Di pa rin po ako nag lalactate and parang ang liit po ng boobs ko. Ever since before my pregnancy petite na babae na po ako. How will I know if may milk na lalabas sakin? Is this normal na wala pa din lumalabas? If ever wala nga po na milk lumabas sakin kahit gusto ko mag breastfeed, ano po ba ma rerecommend niyo na formula milk na bilhin ko? Thank you mommies

No signs of lactation / Milk Formula for newborns
67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mamsh! Nanganak ako ng Dec. 2, 2019 nung una akala ko wala akong gatas pero nung nagdede na si baby may nakuha naman siya dahil yung unang gatas na lalabas ay dilaw tinatawag na colostrum ayun ang PINAKA IMPORTANTE sa lahat kaya dapat si baby ang makakuha na. After 3 days of giving birth sumirit ng pag karami rami ang gatas ko. Tips para magkagatas: 1. After giving birth padedehin agad si baby once na napunasan na habang nililinisan ka magpa-latch ka lang 2. Every single day, ever hour or every 2 hours magpalatch ka lang ng magpalatch kahit feeling mo walang lumalabas na gatas go lang. 3. ALWAYS THINK POSITIVE. Lagi mong iisipin na marami kang gatas para yung brain cells mo ayun ang i-message niya sa katawan mo. Kasi once na inisip mo yun ang gagawin ng katawan mo magpoproduce ng gatas kasi yun ang naka set sa utak mo. 4. More more more more sabaw with malunggay, pwede din yung tinolang tahong na maraming malunggay 5. ALWAYS REHYDRATE YOURSELF. Lagi kang uminom ng tubig bago magpadede, habang nagdede at pagkatapos magdede mas magandang every 15mins ang inom (300ml) 6. Massage. Magpamassage kay hubby or kahit kanino na kasama mo sa bahay yung sa likod mo na bandang tapat ng boobs sa may buto. Or pwede ding ikaw magmassage kay boobies downwards Yan lahat ginawa ko para magkagatas. Alagang sabaw at mga gulay ni hubby and in laws kaya sobrang blessed ako ngayon dahil hindi ko pinoproblema ang gatas na bibilhin. Hope na makatulong ❤️

Magbasa pa

Hello Momsh! Same tayo. Nung nasa ganyang weeks din ako iniisip ko wala akong gatas kasi wala pang lumalabas unlike sa ibang mga mommy na meron na agad. Nung nanganak ako, bawal ilabas si baby ng nursery dahil sa case ng covid. So hindi ko talaga sya napadede, kinausap kami ng nurse at pedia na pansamantala ifoformula muna sya. Sabi ng pedia, Similac daw para di masyadong malayo sa lasa ng breast milk. After 3 days umuwi na kami ng bahay and nagtry akong magpadede napansin ko ang laki ng boobs ko, which is nakakapanibago kasi maliit lang talaga to momsh hahahahaha. So ngayon, solve na solve baby ko sa milk. Minsan basang basa na damit ko kasi tumatagas gatas hahahaha Pinainom din ako ng ob ko ng Natalac.

Magbasa pa
VIP Member

Hi mommy, pareho tayo nung buntis ako. No sign naman po talaga na may milk ka na. Magstimulate lang po ang milk production once nakapanganak na. What i did before giving birth was to drink megamalunggay pra maready ko body ko at milk ducts. Effective sya mommy, wala ako problem sa bm when i gave birth. Tsaka it helps din to set your mind na may milk ka. “Mind over matter” ika nga. Wala akong biniling bottles at formula before ako manganak. Wala din po kame dala sa hospital. Kase ang goal ko non talaga magpa dede at di ko inisip na mahihirapan ako magka milk kahit na un nanay ko di daw sya magatas.. di ko inisip na magiging ganon ako. Effective!

Magbasa pa
VIP Member

Ako before ang pinagawa ng OB ko during my first pregnancy, nung nag hihintay nlng ako ng araw ng panganganak ko, pinapa massage nya ung breast ko, then pinagamit nya pa ako ng breast pump para mas lumabas ung nipples ko. Then sabe nya ung pag stimulate daw s breast also helps na mag contract na yung tiyan ko (sinabihan pa nga kame ni hubby na mag sex para daw lumambot cervix hehe). Nakatulong nmn sya, pag kalabas ni baby, pina dede ko agad, kahit onti lang nalabas basta inulit ulit ko lang, hanggang sa after a few days dumami rin finally ung milk ko. Tyaga lang tlga. Nag sugat sugat pa nga nipples ko pero tiniis ko lang.

Magbasa pa
4y ago

ask ko lang po kung ano yung dapat na position kung magsesex po kami ng partner ko. to be honest minsan nahohorny sya sakin at inaalok magsex kaso minsan diko mapagbigyan dahil bka mkaapekto sa baby. first time mom po ako makakatulong po bayun sa pag open ng cervix ang pag tatalik?

VIP Member

it depends minsan kung CS or NSD ka. CS kasi ako halos after 5days na nung dumami milk supply ko kasi mas matagal lumabas pag cs pag naman normal mas mabilis lumabas ang milk. Kung mahina talaga ang supply bili muna ng s26 gold yan unang milk ni baby nung naiyak prn tlga sya kasi kulang supply ko. Paglabas ko ng ospital nagddrink prn sya pero latch muna saken pag hindi sapat saka papainumin ng formula. Kaen ng marameng sabaw inom ka rn ng milk at more water lalo na malunggay inom knrn ng moringa capsule to help then pag ok na supply mo iEBF mo na si baby :)

Magbasa pa
5y ago

or syempre ask niyo kay pedia ni baby kung ano irrecommend nyang milk :)

Ako after 3 days of giving birth pa lumabas milk ko, pero never nagfomula si baby. Since BF friendly yung hospital, may mga donated BM sila stored. I had small, boobs din inverted pa. Tinulungan ako ng mga nurses dun, they gave me a syringe para lumabas nips ko. Then unli latch lang si baby. Until ayun, umagos na milk ko. Nasa determination at willingness din kasi yan ng mommy. And bawasan pagiging nega about sa kakayanan magproduce ng milk, it causes stress na nakaka-apekto sa milk supply.

Magbasa pa

Same momsh wala din ako gatas even after I gave birth. And I will not recommend formula milk even if wala ka pang milk make sure paglabas ni baby padedehin mo sya kaagad and inom ka vitamins na pampagatas like NATALAC kahit twice a day ka maginom. And kung magpapadede ka kay baby isang boobs na free ipump mo para ma stimulate ang gatas mo. Remember walang mas he-healthy pa sa gatas ng nanay kesa sa formula milk. Mas makakatipid ka pa. Godbless to your breastfeeding journey!!

Magbasa pa

Right after mo manganak, colostrum lang muna ang lalabas, mostly patak-patak lang siya. Pagkalabas ng baby, kasing laki lang ng kalamansi ang tummy nila. Unlilatch para maregulate ang breastmilk mo, pakonti-konti ang labas. Feed on demand, ginawa ko I offer and feed my baby every 2 hrs interval pati noong nasa hospital ako. To determine if may nakukuha si baby sa iyo is based sa output ng diaper. Tinuruan ako ng lactation nurse sa hospital.

Magbasa pa
VIP Member

Lalabas po yung milk nyo pag nanganak na kayo and kpag nag start ng i latch ni baby. Unli latch lg tlaga sigurado dadami gatas mo momsh ng pa unti unti. Gnyan sa 1st baby ko hnd talaga lumaki boobs ko nung buntis ako. Pero nung nanganak nako and start ng mgpadede dumami bigla ung gatas ko heeheh. Ngayon sa 2nd pregnancy ko bigla namang lumaki boobs ko 😂😂😂

Magbasa pa
5y ago

Hehehe ako dn po mommy. 17weeks ako ngayon nagsimula yata sya lumaki nung nagsimula akong mabuntis. Mas maganda talaga ung nagpapabreastfeed . Unli latch lg tiisin lang yung sakit ksi mawawala dn naman.

Inom ka ng Milo or milk, maliit din boobs ko, pero dahil every morning since i Got pregnant nakasanayan ko na uminom ng Milo kahit hindi morning basta ma isipan ko lang na uminom. Tapos nung nag 5 months ako nagsimula na syang tumulo ng tumulo. Up until now na 38 weeks preggy na ako Just try it. Wala namang masama kung susubukan. Goodluck momsh and congrats. 😊

Magbasa pa