11 WEEKS NO BUMP

Hello Mommies!! I’m on my 11 weeks base dito sa Asian App. First time ko po so sobrang napapraning ako. Kung pwede lang mag ultrasound everyday para namomonitor ko si baby sa loob. Normal lang po ba wala pang bump at this time? Ung tiyan ko kasi parang bloated lang. as in parang taba lang. Pag di pa ako kumakain medyo maliit sya, pag busog naman malaki. Pag nag stomach in naman ako, nagfflat naman sya wala ako makitang bump. Wala din akong symptoms since Day 1 and hindi pa naglilihi. Last TRANSV ko po ay 7weeks pa lang and confirmed naman may embryo and heartbeat. I’m 4’11 in height and Petite po ako na medyo may tiyan before pa mabuntis kasi pagtapos kumain, upo agad. Gusto ko lang malaman if it’s normal na wala pa talaga bump at 11 weeks and when should I start seeing it? Napapraning lang talaga ako everyday. Thank you sa time na basahin ito and maraming salamat sa mga sasagot! 🤍

11 WEEKS NO BUMPGIF
25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako kahit nag 3 months or 13 weeks and 3 days ako non nag bleeding pa d pa talaga mahahalata ang tyan ko non 1st baby ko din now at walang selan na nangyayari or pagsusuka or naamoy ng ahos magsusuka na hindi ako ganyan d ako maselan at wlang masyadong cravings din pero 1st tri ko lagi lang akong gutom kya kumakain talaga aq ngaun 2nd tri kona d aq masyado kumakain ksi feel q busog aq konti lng nakain q mnsaan gatas enfamama at skyflakes lng para may laman tyan q bfore taking my vitamins na niresta ko kya no worries mi mahahalata lng yan pag malapit kna mag 2nd trimester aq ngaun higa higa prin kasi mababa c baby q at may hstory ako bleeding nung 1st trim ko.

Magbasa pa

Same din sakin. Mukhang busog lang ako lagi until mga 17-19 weeks. 5’0 lang din ako. Pero nung mga 20 weeks na, mukha na kong buntis. Di na mukhang busog lang. 🥰 Wala din akong sympoms like morning sickness buong first trimester kaya di ko masyado mafeel yung pregnancy during those weeks kaya favorite ko din magpa-ultrasound. Madami pang mga naganap sa journey na hindi ideal pero I’m 22 weeks now and our baby is doing good and kicking. Normal lang yan, mumsh! Enjoyin mo lang buong journey. Huwag ka mahiya mag consult sa OB mo kung may concerns ka or mga questions. Pray lang ng pray! Mas nababantayan ni God ang baby natin sa tiyan kaya tiwala lang. ♥️

Magbasa pa
1y ago

Ayun nga mi eh. Wala din kasing symptoms so medyo nakakadagdag ng alalahanin. Pero thank you so much po for sharing your insights and experience. Will continue to pray po for healthy baby. Praying for healthy pregnancy and baby din for you. ❤️

iba iba po ng size ng tiyan bawat babae mi, ako matangkad na mataba 5’4” tas 85kg bago mabuntis. bandang 20 weeks lang ako nagka bump talaga yung masasbaing juntis na haha. imo di yan nagmamatter, basta as long as healthy si baby. 😊 ftm din ako now on my 37th week. and sobrang anxious ko rin noon na laging sinasabihan ako na hindi malaki tiyan ko (kahit mataba akong babae 🤣🤣) pero tutok naman sa monthly checkup si baby kaya panatag loob ko 🥰

Magbasa pa
1y ago

Thank you for sharing, Mi. This forum really helps a lot. Mas maraming inputs base on personal experiences unlike sa Google na average scenarios lang ang namemention. Have a happy and healthy pregnancy and baby po.

around 7 months na ako nagkaroon ng bump kaya nakakasakay pa ako ng joyride/angkas papunta sa work😅 since you are already using this app, monitor mo ung dapat measurements ni baby sa tummy. saka pag nag gain ka na ng weight, sasabay naman na ung bump mo meaning lumalaki na rin si baby. Based sa ultrasound ko when I was 14w2d, nasa 322g ang estimated fetal weight so imagine gaano palang kaliit si baby nun diba, what more sa 11 week tummy hehe

Magbasa pa
VIP Member

Same po tayo 11 weeks na ang last tvs ko po ay 7weeks n 2 days si baby pero nakita naman sya sa tvs . Ako po ngayon feel ko medyo lumalaki na si baby kase medyo halata na tyan ko pero sa umaga pag gising ko flat lang sya parang d buntis. Tapos sa gabi malaki sya payat lang din ako 5’2 height. Iba iba naman po tayo ng pregnancy journey hindi naman po palakihan ng tyan pag buntis kaya wag ka po ma stress mommy para safe si baby mo 🥰

Magbasa pa
1y ago

Thank you po! Sobrang comforting mabasa ito. Have a happy and healthy pregnancy and baby po.

Yes, mi very normal as long as ok lahat sa trans v mo kalma ka lang. heheh ganyan na ganyan feeling ko non sa 1st baby ko kasi nakaka bother, ako nga mi 6mos na ako wala pa rin akong baby bump masyado paransa 6mos non para lang akong busog no signs of pregnancy din. walang suka, hilo, morning sickness or what hanggang matapos ang pregnancy ko.

Magbasa pa

Ganyan din ako before mii, nasa 4mons na tyan ko pero di daw halatang buntis ako and mismo ako nagworry nun,lalo pag gising sa umaga para lang akong may bilbil. pero healthy naman si baby sa loob based sa Ultrasound ko😁gnyan talga mii lalaki din yang babybump mo . Btw I'm 25weeks now and dinako halos makakilos kc malaki na sya😩😁

Magbasa pa
VIP Member

Dont overthink mhie ako nga 7 months na before nagka baby bump. Lalo pag petite ka d ka talaga agad mag kaka bump. 😊😊 2nd baby ko 18 weeks bago visible ang bump ko. Lalaki lng po yan sya ang baby kasi natin maliit plng yan kaya d talaga pa mag visible. 19 weeks now parang manga plng yung size nyan 😊

Magbasa pa
1y ago

Thank you for sharing, Mhie. Laking tulong ng mga inputs nyo. Di kasi ako satisfied sa mga nababasa ko sa Google search.

same ako din 17 weeks na wala pa.pero sabi ng mom ko lahi namin ang maliit mag buntis , chubby kc ako malaki din ang tyan. next check up ko sa monday.. ang last na check up ko ok naman ang heartbeat nya. kalma lang tayo mii iba iba kc tayo ng pag bubuntis. first Time mom din ako. same tayo😅

Hi mommy. You can check po din yung size mo Baby sa ganyan na weeks. Consider nyo din po yun. Kasi ang liit pa nya kaya hindi pa talaga nagkaka bump agad. And wag po magpa stress malaking factor po yun na nakaka affect sa development ni baby. Mag pray ka po lagi. Safe pregnancy for us ❤️

1y ago

Noted on this mommy! Thank you so much! Praying for safe and healthy pregnancy for you! 💗