Subchorionic Hemorrhage

Hi mommies, Iā€™m 10 weeks pregnant and I had my transvaginal ultrasound earlier tapos sabi ng OB may bleeding daw ang placenta ko šŸ™ so niresetahan ako ng doctor ng Isoxsuprine (Isoxilan). Sino po dito nakaranas ng subchorionic hemorrhage or naka try na uminom ng Isoxuprine? Effective po ba yan na gamot plus bed rest? Any suggestions/advices? Thank you šŸ™šŸ»ā¤ļø

Subchorionic Hemorrhage
59 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nag ka ganyan din ako moms nung 1month palang sa tiyan yung bb. ko. sobrang kaba ko nga kasi bakit may ganun.. nerisetaan lang ako ng duphaston.. tas pag balik ko. ok na siya wala na yung hemmorage sa ngayon ang. baby ko po ngayon ay healthy 6 months old na.

Ganyan din aq nung una .. need mu tlga magrest .. Kasi sabi sakin ng ob q nyan dati pag hindi daw nalusaw ung hem. Sa ospital nq buong pagbubuntis q kasi kailangan daw imonitor .. Pero thanks kay God nalusaw dn nman sya 34weeks nq ngaun .. Dasal lng šŸ™šŸ™

Best friend yan ng mga buntis lalo na pag high risk ka. šŸ˜… 20 weeks na ko pero lagi ako may ganyan sa tabi ko kahit pag lalabas ng bahay may baon ako gnyan saka water. Relaxant ng uterus yan pag naninigas tyan/contrations. Also known as "pang pakapit" :)

Duphaston + isoxilan yung nireseta ni ob due to high risk kasi ako. Though almost 34 weeks nako advise ni OB, take it if ever masakit puson ko or if i feel contractions nalang ngayon! Started taking it @ 18 weeks yata ako nun.

Yes sis effective yan. Nun feb natipalok ako sa school npaupo ako tpos punta ako agad ob inultradound ako un nkita bleeding agad. Yan pinainom sakin 1week 3x a day tpos ultrasoind uli wala ng bleeding. Nag leave din ako sa work ng 7days pra sa bedrest.

Nereseta din yan sakin noon, may subchrionic din kasi ako sa first trimester ko nag cmula ng 0.46 cm na naging 1 cm kalaunan bago nawala,pero ngaun ok na nasa 36 weeks and 3 days nako ngaun,excited na din makita c baby šŸ˜

Nagkaron ako nyan sa panganay ko. Nagbedrest ako tapos me pinainom din sa kin meds di ko na maalala kung ano. Eventually, nawala din naman sya nong 3mos ko na. Wala naman naging epekto ke baby. Normal naman ang lahat

VIP Member

Safe naman po iyan mommy though Duphaston ang tinake ko nung nagka hemorrhage ako nung 5 weeks pregnant ako. But I am taking Isoxillan if may pain ako nararamdaman sa puson ko. I am currently 30 weeks pregnant.

Kain ka ng avocado and oranges nakatulong sa akin yun para mabawasan ang bleeding.. May malaking clot pa na lumabas sa akin, akala ko makukunan na ako nun, buti na lang makapit si baby.

2y ago

Mi nung may malaking clot na lumabas syo, nagcontinue pa dn ba bleeding or spotting mo?

I tried yang gamot na yan. Very effective nman.. just listen lang dn sa advice ng o.b mo po. If she means na magbedrest ka.. totally hihiga ka lang tlga for a week. Lakad konte lang.

4y ago

Thank you sis ā¤ļø okay na ba baby mo ngayon? Wala bang masamang epekto sa baby yung gamot? Super worried lang kase ako šŸ˜¢