Hi mommies. I just wanna share something and need your comments. Kanina lang kasi nagising ako mga 12 midnight para maihi, pag ihi ko may narinig akong tunog na yung parang gutom or nangungutot. Akala ko yung tiyan ko pero di naman kasi di ako nagugutom eh. Tapos akala ko naman may naapakan akong butiki. Tapos after many seconds I found out na yung tunog pala galing sa right part ng tiyan ko. I'm worried kasi mga 2 minutes yun continuous na tunog. Very weird. Hindi sakin galing yung tunog eh, I mean di galing sa tiyan ko. Possible po ba kay baby yun? Nautot sya or nagutom? After a while kasi mga 7-8 minutes saka na'ko nakaramdam ng gutom tas nauutot. Pero andyan parin yung tunog, paunti unti nalang tas malayo na yung interval. Gumalaw naman si baby ko, saglit lang din but I'm still worried. Sino po nakaexperience ng ganito? Inask ko din kasi si mama ko ginising ko di niya rin alam ano yun. Hoho.