Hello mommies. I have a big problem, baka pwede ako magshare actually sa ate ko. Dati palang palagi na nagrereklamo ni ate sakin na kumikirot ung bukol sa dede nya. At payo ko naman sa kanya na sana magpacheck-up na sya. Wala pa rin, binalewala nya ung bukol nya, inom pa rin kain ng kung ano2. Ngayon almost 6 yrs na din ung bukol nya at ngayon sobrang laki na. 2yrs na sya nagheherbal may herbalist na rin sya. Pero ginagawa pa dn ang mga bawal sa kanya. Out of the blue, this pandemic lang bigla nlng sya nagdecide na magdiet, lumipat sta ng doctor mataba kasi sya. Nag juicing sya ng 2 months, bigla syang pumayat at bigla namang lumaki ang bukol sa dede nya. Dati kamao lng ng baby ngayon kasing laki na ng ulo ng bata. Ayaw nya ipagalaw ang bukol nya baka lumala.
Malayo kami ni ate pero sa metro manila lng kami, nakaraan dun kami natulog sa place nya kasama mga anak ko, napansin ko tlga na mahina sya pero di nya pinapahalata at kung papansinin ko ung bukol nya ay ngagalit sya sakin. Dapat daw positive lang ako wag nega. At nung nakauwi na kami di ko pa dn mapigilan sarili ko na hindi ako magworry sa kanya. So, chinat ko ung doc nya sa fb kasi may fb page sya at tinanong ko ung medical statuds ni ate at nalaman ko na stage 4 breast cancer na pala ung sakit nya. As in nalungkot ako na sobrang iyak hanggang ngayon. Pero di alam ng ate ko na alam ko na ung sakit nya. Parang gumuho ang mundo ko, di makatulog.
Ayaw ni ate na pagusapan sya at ang bukol nya, ang problema ko ngayon kung pano ko siya makausap kasi gustong gusto ko syang tulungan.
😭😭😭
Until now, working ang ate ko as call center agent.
Please mommies, ano kaya dapat kong gawin. Shinare ko na din ito sa hubby ko pati sa mother in law ko, gusto nila kausapin namin si ate..
Anonymous