Breastfeeding
Hi mommies, hingi lang po sana ako opinyon nyo, FTM po ako, sabi ng pedia ni baby alisin ko na daw po yung formula milk, magpabreastfeed na lamg daw po ako, unli latch po si lo sakin pero ang onti parin po ng nadedede nya kaya kapag umiiyak po sya at di po nasasatisfy pagdede sa akin tinitimplahan po namim ng formula kilk before. Ngayon tinatry ko po na alisin totally yung FM, kaso sobrang iyak po ni Lo kasi hindi sya nasasatisfy pagdede sa akin to the point na nagpapagitas na po sya, nakakaawa din naman. Tingin nyo po ba ituloy ko muna po yung formula? Lahat na po kasi natry ko, been drinking m2 up until now, nagtetake din po ako ng lactating supplements at mga lactation snacks. Huhu gusto ko lang po malaman opinyon ng mga mommies dito sa app. Thank u po! โค๏ธ
same ginawa ko non pagkalabas ng ospital bec na ppressure ako dito sa bahay tuwing iiyak si baby nagagalit ang tatay ko baka daw di sapat o di nabubusog sa milk na nakukuha sakin..so nagpa bf ako tapos mf, ang nangyari naman na constipate si baby di sya nag poops for almost 3 days , kaya bumalik kami sa ospital na overfeed ko daw si baby. Nung magkita na kami ng pedia ni lecture-an nya ko abt bf, then I learned na akala natin 'di sya nasa satisfy sa milk natin', na 'di sapat ung nakukuha satin' is not true. Our body already has milk the moment na ilabas natin si baby, it's just waiting for the cue from our baby to let it out and produce more. Struggle din talaga mag pasuso, nakaka puyat, nakaka windang lalo na sa mga ftm na gaya natin. My regret was not studying about it during pregnancy, akala ko easy easy lang na basta salpak lang then ok, there's so much to learn pa rin pala. You have to be relaxed and condition your mind na madami kang milk na maipo produce, believe me it will happen. I almost did give up on bf, pero eto ako still bf at 9mos po and planning to do it til mag 2 yrs sya. ๐
Magbasa paIt's good na mukhang breastfeeding advocate si pedia nyo, tama po sya. Supply and Demand po ang milk production natin, kapag nagbigay po kayo ng formula milk, lalong hindi dadami ang breastmilk nyo hanggang sa unti-unti na itong mawawala. Tignan yung pupu, wiwi at pawis ni baby-- kung marami syang nailalabas, ibig sabihin marami syang nako-consume โบ๏ธ Please research about Baby Growth Spurts. Hunger is only one of the many reasons kung bakit umiiyak/ fussy/ iritable si baby. Please understand na sa pag-iyak nya lang kaya iexpress ang discomfort nya, hindi laging ibig sabihin ay gutom sya โบ๏ธ Trust your body that was designed to nurture and nourish. Isipin mo, wala namang formula milk noong unang panahon, ganun din sa mga Indigenous tribes and yet they are able to nourish their babies ๐ค Unlilatch truly is the key... basta make sure na proper latch..*Hugs to you, mommy... EDIT PS: what you get from the pump does NOT represent the amount that your baby is able to get from you. Again, look at your baby's outputs and not the pump's โบ๏ธ
Magbasa paShare ko experience ko mi. Ganyan din, sinabihan ako ni pedia na itigiL n ung formula at magEBF na lang dahil daw hindi sakitin ang baby pag EBF. One month pa lang nun si LO. Hindi ko masyado inistress sarili ko, pero ang ginawa ko every feeding pinapadede ko una ng formula milk si baby 2oz pag naubos na nya at sempre gutom pa sya saka ko sya papadedehin sakin at dun na sya gang makatuLog sya. Kahit madaling araw ganun gawa ko. Kumbaga may nainom na si baby at may kabusugan na sya pero ung pagdede sakin dun sya totally nasasatisfy. Sa ganun palagi ko ginagawa hindi ko namalayan dumami na gatas ko hanggang sa sakin na lang sya dumedede at ayaw na nya sa bote. At 2ยฝ months EBF na sya, 6 months na sya ngaun. Advice ko lang mi, magpump ka taz lagay muh sa bote, padedehin muh si baby sa bote kahit twice a week para di nya ayawan ung bote. Mahirap kasi kapag si baby ayaw sa bote, hindi ka makakaaLis kahit 2 hrs lang. Yun problem ko kay baby ko na sanay sakin lang dumedede. But it's a good problem.
Magbasa paSa case ko po, ganyan din. Three days pa lang, wala na akong gatas. Tinuloy ko lahat ng sinasabi dito, pati yung sinabi ng mga lactation doctors/nurses sa ospital, pati kung ano-anong lactation cookies, treats, drinks para lang magkagatas. Pero pagdating ng one month, wala na talaga. Kahit anong gawin ko, gutom si baby. Kaysa ipilit ko na mag-ebf tapos magiging malnourished naman yung anak ko, i chose to give up and go with formula. Healthy si baby. Never pa siya nagkakasakit. Three months na si baby sa 14, at sobrang healthy niya. Sabi rin ng pedia niya, advance ang milestones niya. Hindi mahalaga ang sasabihin ng iba sa'yo mi. Ikaw ang nanay. Ikaw ang nakakaalam ng efforts na ginawa mo. Ikaw ang nakakaalam kung ano ang nararamdaman ng anak mo. Cheer up. You did you best. A fed baby is better than a hungry one.
Magbasa paHello. Enfamil A+ Nuna Pro din milk ng baby ko. experiencing the same problem. 13 days PP ako and hirap din sa BF. minsan nasstress and frustrated na ko. ngppump ako pero less than an oz lang nccollect ko. also trying lahat ng bm boosters pero wala pa din. ๐ข but still hoping and praying na maboost pa for my baby ๐๐๐
Same tayo, hindi din talaga ako makapag produce ng maraming milk, sa hospital pa lang wala na talaga lumalabas sakin so pinabili na ko ng pedia ng milk kasi babagsak daw ang sugar ni baby kapag hindi pa din sya nakakuha sakin. I tried for a month pero bumibitaw talaga sya sakin dahil nakukulangan sya.. hanggang sa ayaw na nya dumede sakin. Nag pump ako pero maswerte ng maka 1oz both breast (naipon pa yan sa 3x na pagpapump sa buong umaga), 2oz sa loob ng isang araw.. naka galacto bombs pa ko nyan, malunggay, maraming tubig, kaso wala talaga.. kung hindi ako kumakain ng galacto bombs half oz lang nakukuha ko, minsan latak pa.. after a month nag pure formula milk na si baby. 6 mos na sya ngayon, di naman sya nagkakasakit, healthy naman sya and ok ang development.. โบ๏ธ
Magbasa pakakaawa naman si baby.. go lang mi. kung di pa kaya mag exclusive breastfeed edi mag mix po muna kayo. ganyan din po ako the 1st 3mos nang baby ko mixfeed ako pero mas more on unlilatch. tsaka na talaga ako nag titmpla pag umiyak na si baby kasi d satisfied. now 9mos na baby ko at EBF na ako ngayon. until 3 mos lang ako naka pag mix. kasi ayaw na mag formula ni baby niluluwa na niya at nag boost na din yung milk ko now at 10mos mayroon na din akong 10.5kls na baby. taba taba niya at malakas din kumain kahit ano. .think positive lang mi. continue lang din sa mga supplements and drinks mo.ako nag milo, energen more sabaw nag try din ako before nang mother nurture at mega malunggay capsule.. dapat din po di ka masyado stress mi at thinks positive lang po. kaya mo yan.
Magbasa paHello Mi, ilang buwan na po ba si LO? sometimes Mi, we think that our babies are not satisfied. But actually, they are. Check mo Mi ang ibang reasons. Si LO ko, minsan kahit nakadede mya, umiiyak parin. Dahil pala di ko na pa burp properly. So I do some massage on his tummy then after it, matutulog na sya. If you really want to pursue breastfeeding, wag po mag pa stress masyado Mi. Have enough rest and hydrate all the time. You're output will slowly increase. You can also do pumping every after feeding and powerpump once or twice a day.
Magbasa patama po akala ntn minsan hnd satisfied c baby gnyn dn ako pinipiga q dede q me gatas nmn sa gabi kht naka dede n sya ng sobrang tgal pault ult nagagalit nag wawala iritable yun pla me kabag lang or hnd lng makuha yung antok nia kaya don sa dede q dinadaan pgkairita nia kinakagat tpos umiiyak un pla gsto lang isayaw sya at kanthan pra makatulog .
same case din sakin nung mag 3 months si baby ang gulo na ng isip ko nung nadiagnosed baby ko na may skin asthma sabi ng pedia kung pwede ipush ang bf gnwa ko n mga bagay bumili din ako ng brestpump kaso half oz lng tlg nkukuha at di ko kaya nkikita anak ko iyak lagi ng iyak dhl gutom n gutom n sya tpos s sakit p nya n skin asthma mamali lng ako ng kaen na magpatrigger sa sakit nya mamumula n sya kaya i chose to give up n bf kasi pareho lng kme ni baby nastress at di p sya nkakabawi ng gain dahil half oz lng nakukuha nya
Magbasa paCheck nyo po ang pag latch nya mommy, napansin ko isa to sa mga di gaanong napapansin pag may problem sa pag bebreastfeed. minsan kasi pag improper ang latch ni baby di niya nadedrain ang breast effectively kaya baka konti ang nadedede niya at di siya nasasatisfy. Breastmilk is a supply and demand, kapag mas natatanggalan ng milk ang breast, mas gagawa pa ng milk ang katawan natin. Yung mga drinks/supplements may help pero di sila yung main reason sa paglakas ng milk production, si baby padin. Hope this helps โค๏ธ
Magbasa paIlang months na po si baby niyo? Ganyan rin po kami nung 1 month si baby. Feeling ko hindi siya satisfied sa milk ko. Minsan po feeling ko napapagod po mag-latch si baby kaya itutulog na lang niya yun but ang mangyayari po short sleep lang possibly dahil gutom pa siya. Try niyo po mag-pump ng milk niyo. Then if you feel like kulang po yung nabibigay niyo sa direct latch, i-bottle feed niyo po si baby ng breastmilk niyo. Kung regular po kayo mag-latch and pump lalakas rin po ang gatas niyo.
Magbasa pa
FTM