Hello, mommies. Gandang gabi. Ask lang po sana ako kung normal lang na manigas ang tiyan sa isang araw pero ilang beses?
Kahapon matigas ang tiyan ko pero nawawala rin naman especially pag nakautot or nakadighay na.
Today nangyari ulit. Kaninang umaga tumigas na naman pero nawala rin. Tapos ngayong gabi ganun din pero nawala nung nakautot na ko. May same experience po ba rito? First time mom po kasi ako and 29 weeks na. Thank you.
Gina Adante