Dobleng damit ng newborn
Hello mommies. FTM of a one week old. Ask ko lang po, tama po ba na doble doble ang damit ng newborn? Yun po kasi ang tinuturo (more on dinedemand) ng nanay ni partner. Plus babalutan pa ng hooded towel palagi kahit di naka aircon. Malamig daw po kasi ang katawan ng newborn at pag inaalis namin yung towel o naaalis lang saglit, sinisita na kami na di marunong. At nagkaka rashes na po kasi sa leeg si baby namin at duda namin dahil sa init. Pahingi naman po ng insights niyo tungkol dito kasi parang magkakapostpartum na ko sa pagsita niya. Medyo makaluma din po kasi siya. Lahat ng bagay nasisita kahit pedia/OB's advise na basta salungat sa gusto niya. Stress na stress na po ako lalo pa bagong panganak lang ako 😞