NORMAL LANG PO BA?

Hello mommies, ftm here. Tomorrow, punta na ako sa OB ko for check up. Kala ko kasi madadaan ko sa bedrest ng 1 day yung pakiramdam ko kaya di muna ako nagpunta sa clinic. Working ako as manager ng fast food, super stress at lagi akong nakatayo kasi dapat lagi akong on floor. Nitong mga nakaraan, nagsasasakit talaga itong puson ko, una kanang bahagi ng puson ko yung masakit, then now naman yung kaliwang bahagi na ng puson ko masakit. Re-current siya eh, pag napapahinga nawawala naman. Pero pag tumatayo ako at gumagawa ng ibang bagay bumabalik yung sakit. Pag umiihi ako, humihilab yung puson ko. Sobra akong worried, lalo na wala akong kasama sa bahay kundi si hubby lang na working din. May isang beses din na madaling araw, umihi ako then pagbalik ko sa bed, super sakit ng puson ko. Wala akong any discharge thing. May same ba ng experience ko dito? Ano po kayang possible reason? And ano pong mga ginawa niyo. Thank you very much po.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mag pa check up na po mi kay OB kc dpo yan normal. Bka may bleeding dn po kau sa loob.. kc ako ganyan dn kya pina bedrest ako 14 days.. tpos may reseta na pampakapit po.. pwed nmn pp i file sa sss as sickness leave po.

VIP Member

Baka UTI. prone sa UTI ang preggy