Need ADVICE Pls?

Hi mommies! Ftm po ako, 28weeks and 4days. Kagabi po kasi nag start na manigas tiyan ko, na para kong busog pero di nmn po. Hiniga ko lang po sya at medyo ok na po, kinabukasan po ngayon pag gising at pag tayo ko medyo sumasakit po ung upper part ng tiyan ko di ko po alam kung sikmura ba, basta hindi nmn po sya ganon kasakit. Pag po naka higa ako wala po akong nararamdaman pag po kumikilos ako at gumagalaw nararamdaman ko po. Ano po need ko gawin? January 24 pa po kasi next next check up ko sa OB ko?? nagwoworry po ako sobra, pero wala naman pong contraction akong nararamdaman at ok nmn po ang pag ihi ko wala nmn pong discharge or any blood. Pls po pahelp?? Note: randam ko nmn po movements ni baby sa loob pati hiccups nya

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pasched ka po ng maaga or kung kaya mo kontakin OB mo po. Dika pa term mommy kaya nakakatakot. Nung nanigas ang tyan ko niresetahan agad ako ng OB ko ng isoxilan (pampakapit) for 7days ko sya ininom then nawala naman na paninigas. Delikado unf paninigas na walang movement ni baby.

5y ago

Okei lang yun mommy kung naninigas sya ng may kasamang paggalaw pero kung matigas then walang movement, consult your doctor asap po.

Normal sis. Ganyan din ako now going 23 weeks, bsta hindi maglalast yung pain and tolerable nmn. Ipahinga mo lang lumalaki na si baby sa tummy naten kaya may mga changes tayong mafefeel tlaga.

Hi you can ask if you can adjust your schedule earlier sa OB mo para ma make sure mo na safe kayo pareho ni baby...

VIP Member

Normal po, ganyan po ako ehh, pero dahil po sa sipa ni baby ung sakin, 32weeks na po ako ,

normal lng yan mommy kausapin mo lng si baby mas okay yung active sya palagi

Thankyou mommies! Okay na po ako, bedrest lang po for 3 days. ❤️

Baka naman po sobra ka na sa kilos mommy? Or si baby iba ang position now..

5y ago

Gumagalaw nmn po si baby sa loob at randm ko din po hiccups nya

patingin ka pa rin sa OB, wag mo ng hintayin ang next check up

Go to Ob mommy to be sure

Up

Related Articles