Nawalan ako ng malay

Hi mommies FTM here and im 14weeks and 3 days preggy. First time ko tong ma experience ngayong umaga mag tatapon sana ako ng basura pero biglang nag dilim paningin ko as in wala akong makita kundi puro dilim lang tas hilong hilo ako nun at nawalan ng malay. Hindi naman nag tagal kasi nakita agad ako ni mama at tinulungan nya ko makabangon. Pag tayo ko is sumuka ako ng sumuka. Ask ko lang nakaranas din ba kayo ng ganto? Nag wo worried ako baka kung ano nangyari kay baby. normal lang po ba to sa preggy? Please respect

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

may time din na biglang nagdilim paningin ko at muntik nako matumba. tapos minsan parang mahihilo lang ako na mabubuwal, kala mo may lindol. nabasa ko lang na ganon daw pag kulang ka sa iron. hindi ko binanggit k OB ko na may ganong nangyari sakin. pero lagi niya chinecheck palad ko saka ilalim ng mata ko to check kung maputla ako. taz sabi niya nun maputla daw ako kaya inincrease niya ung foralivit ko ng 2x a day na dati once a day lang. nung 2x na ako umiinom hindi ko na nararanasan ung mga ganon. after 2 months ata, chineck ulit ni OB complexion ko pati sa mata, sabi niya mapula na daw ulit ako kaya binalik niya na sa once a day ung foralivit ko.

Magbasa pa

ganto q nung 1st trimester 1time lng nagdilim paningin black tlga at nahilo pinagpawisan aku ng malala nun peo sabi ng ob q ok nmn daw aku at c babay tas nunv papasok na ang 3rd trimester ganun ulit isang beses nag lakad nmn aku bigla aku pinagpawisan ng malala tas miya miya bigla nagdilim paningin q at nahilo my magandang loob.lng na pinaupo aku at pinainum.ng tubig tas pinalanghap ng vicks un ok na po tas sabi ni ob ganun daw tlga pag buntis . kaya simula nun di na q lumalabas magisa hanggang ngaun na malapit na q manganak di na q pinayagan

Magbasa pa

Yes, nagkaganyan ako dati, di ko pa alam na buntis ako nun biglang tumayo kasi ako. Pwedeng biglang tayo ka kaya nagka-orthistatic hypotension ka na tinatawag namin o di kaya biglang shift ka ng pwesto mo like yumuko then biglang angat ng ulo. yung blood flow sa ulo mo biglang baba kaya nagdilim bigla paningin mo at hinimatay ka.. since buntis po, lalong mattrigger ang ganyan pag di po nagdahdan dahan. mas mabuying magpacheck up din po kayo sa OB nyo para makita baka mababa ang hemoglobin at ang bp mo. Godbless.

Magbasa pa
TapFluencer

ganto rin experience, papunta ko sa ob ko dapat. pagdating ko sakayan. nagdilim paningin ko at hilong hilo ako. buti pinaupo ako sa my talyer. tas kinontak ko kpatid ko para sunduin ako. habang pauwe kmi para kong hihimatayin kase di ko kya na para kong bulag. umiiyak ako pauwe. buti nkaalalay sya. di nmn ako natuluyan mawalan ng malay, at di din ako sumuka. yung paningin ko lang para kong bulag kase all black. then sobrang hilo ko biglang sakit ng ulo ko.

Magbasa pa

ganyan ata talaga mamsh. naalala ko dati nung nasa first trimester palang ako e nahihilo din ako na tipong mag bblack out, kaya pag lalabas ako nun e pinapakiramdaman ko muna sarili ko at dapat naka kain ako bago ako lumabas para hindi ako mahimatay sa daan.

yes one time on my early pregnacy.. di pa ko nakapag pa check up nun. folic and vd3 palang tinatake ko.

Pa check ka po sa ob para malaman kung ano problem. Baka kasi mababa sugar mo or kaya anemic ka.

if ako ikaw. Magpacheck up ka po mi magsama ka ng kasama mo. mas ok ng matignan ka ng OB mo mi.

baka anemic ka mhie dapat may vitamins and supplements kapo

sissy checkup ka hnd normal nagsuka ka ksi🥺