βœ•

13 Replies

VIP Member

kakarecover ko lng po mommy. .ilang ulit din ako na admit. .dahil dehydrated ..niresetahan ako ni ob ng Metaclopramide to stop ang pagsusuka and ranitidine para sa sikmura. .more than a month akong di kumakain. .but the more na walang laman ang tyan mas malala ang pagsusuka. .di rin ako umiinom ng tubig so i tried shakes pero sinusuka ko pa din .i tried iced water. .then used straw para gentle bagsak ng water sa tyan..before getting up in bed eat crackers para ma absorb ang acid sa sikmura. .mawawala di po yan upon entering 2nd trimester. .fight mommyπŸ’ͺπŸ’ͺ🀰🀰

VIP Member

Same tayo sis. Kahit tubig sinusuka ko din nung buntis ako. Try mo cold water inumin. O di kaya coconut water. Nagbababad din ako ng lemon candy dati sa bibig para maiwasan magsuka. Mga fruits kainin mo yung wala masyadong amoy at lasa like apple. Skyflakes ang go to food ko noon kase un ung madali kainin at pwede ko maya’t mayain. Nakaloose ako ng 7 kilos nung first trimester lang kase nga ganyan din ako. Thank God di naman umabot sa dehydration kase pinilit ko din uminom kahit pakonti konti. Tsaka nakakapagmilk naman ako noon. Chocolate flavor ng prenagen emesis

VIP Member

Sa 1st and 2nd babies ko, ganyan ako.naadmit pa ako sa first trimester. sa 1st,sumusuka na ako ng gastric juice.sa 2nd,dugo na nasusuka ko dahil gasgas na throat and sa tiyan. both kahit tubig wala talaga. itong sa third ko,suka pa rin nang suka sa first trimester.kaso di ako nagpaadmit ksi takot sa covid 🀣 pero better itong third kasi nakakakain ako kahit papano although sinusuka ko madala after ilang mins or hrs. pwede ka magtry iced cold water. yan iniinom ko palagi hanggang ngayon at 35weeks. then skyflakes kainin. or arrozcaldo

Small frequent meals, crackers, ice chips pag feel mo nasusuka ka. Nagwork din sakin nun ang frozen jelly ace though di naman ako naghyperemesis gravidarum, pero sobra din pagsusuka ko nun. Even gatas nun nasusuka ko. Toothpaste, shampoo, amoy ng sinaing, ginisa, baboy na pinakukuluan ayaw ko. Hanggang around 5-6 months may moments pa din na nagsusuka or naduduwal.

VIP Member

same here. .pero medyo ok na though sensitive and choosy pa rin sa food. .pilitin mo kumain kahit crackers. .kasi kapag walang laman ang tyan mas lalong magsusuka. .skyflakes early in the morningl ..para maabrorb ang acid. .iced water po iniinom ko and i used straw para gentle bagsak ng water. .wag masyadong pabusog. .try to eat peanuts lagyan ng asin..

im also suffering from hyperemesis gravidarum especially on may 1st trimester, but know it weaken a bit πŸ˜…. after u vomit just drink maligamgam na water, eat plain biscuits upon waking up or suck some ice chips. laking tulong din sa akn cold water po.. eat small frequent meal, avoid dairy product, spicy and most especially just eat what u like..

Skyflakes! Worked for me. May HG din ako and I was also admitted for 2.5 days kasi muntikan na kami madehydate ni baby. Kumain ka na skyflakes 30 minutes before eating and drinking anything else. Also, hindi rin ako nakakainom ng plain water nun so I used to drink either Blue (ung flavored water) or Gatorade. Approved naman ng OB ko.

Same here mamsh, ganyan din po ako nung 6th-10th week then sinabi ko po sa ob ko, muntik nya na ako ipaadmit pero nagpocari sweat po ako yun ginawa kong water laging may yelo then pinalitan nya din po milk ko from anmum to Prenagen Emesis, now po ilang araw na ako di nagsusuka. Naduduwal nalang minsan.

thank you po mga momshies na nag reply! will definitely try your recommendations. maraming salamat po and god blessπŸ’–

try nyo po distilled water. maselan kc ako sa tubig kya ngthink ako ng ibang way pra makainom ng tubig. malamig din iniinom ko.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles