I’m not excited. Is this normal?

Hi, mommies. First-time mom ako. I feel like a bad mom for not even feeling excited or happy that I’m expecting. Parang, come what may na lang nafefeel ko. Kung makunan, edi makunan (but please don’t get me wrong, I’m not trying to naman and certainly not wishing). Kung hindi, edi the baby’s here. Ewan ko, ang hirap. Now I’m also scared na baka pagkalabas niya, hindi ko siya kayang mahalin. Is it just me? Is this just a phase? Will I get over it eventually? #firsttimemom #plshelp #pregnancy #sharing #adviceappreciated #firstmom

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po ako nung una dahil narin siguro sa alam ko nmn magiging buhay ng bata pag labas na hindi nyarin nmn magugustuhan yung magiging buhay nya samen kase hindi kmi ok ng papa nya kaya gusto ko rin po makunan dati pero nung patagal ng patagal nararamdaman konapo sya sa loob ko unti unti ko narin po nafefeel na napapamahal napo ako sa baby ko nung nailabas kona po sya sobrang tutok ko sakanya baby blues po ata tawag don naiiyak poko agad pag iniisip ko na baka mawala pa sya saken, baka ganyan po tlga pag di pa ganon kaready na magkababy naghahalo yung emosyon

Magbasa pa
3w ago

Thank you po for sharing! Masaya naman kami ng partner ko (dad ni baby) and well-off family niya. Hindi kami napapabayaan. Happy rin siya and both families namin with the baby, even my friends. Parang ako na lang yung pilit. 🥺 I’m more of a career woman kasi and pina-stay-at-home muna ako para matutukan ang baby, kaya siguro ganito. But thanks to your story & comfort, I’m assured na once I feel baby & lumabas na sya, magiging ok din ako. ☺️💖

I'm a second mom here I love my 3yrs old daughter . Nung na laman KO na buntis ako , parang masaya na malungkot kasi Paano anak ko d na kami makakabonding kasi may newborn ako this coming June and minsan na stress ako sa bahay pero nag sisi si ako kapag sinasabhan q asawa KO na bahala na kung ano gusto NITONG anak ko kung ok ba sakanya or.hindi na ( parang malalaglagan) pero I always pray to God na sana OK cya walang sakit everything ... To you mommy please pray sauna kasi malulungkot ka pero pag nakita mona anak MO Masaya yan

Magbasa pa
3w ago

Yes po, every time I felt this, nag-pe-pray talaga ako. Alam ko namang may plan si God for us kaya I take comfort in that fact. Nasasad lang talaga ako minsan, lalo na nung first weeks. Career person din kasi ako kaya naninibago ako pina-stay at home ako ng partner ko & families namin para matutukan si baby & maselan kasi pagbubuntis ko. Baka hormonal imbalance rin kaka-overthink!😅 anws thank you po for sharing! I’m assured na once I feel baby & lumabas na sya, magiging ok din ako. ☺️💖

Ganyan den ako noon. Yung nanganak pa nga ako, walang love at first sight sa baby e. Kase diba d naman natin alam ano magiging itsura ng baby naten pag labas. So saken parang stranger sya saken. Pero habang tumatagal minamahal ko yung baby na anak ko at inaalagaan ko. Ngayon sobrang mahal ko na sya. Normal lang siguro yan lalo kung wala sa plano ka nagkaanak at madami kang gusto gawin pero natigil dahil sa pagbubuntis at panganganak

Magbasa pa
3w ago

Hindi ka po ba nag-4D ultrasound? Tho marinig ko pa lang din kasi heartbeat ni baby naiiyak na ako sa tuwa 🥹 anyways thank you po for sharing! I’m more of a career woman kasi and pina-stay-at-home muna ako ng partner ko & families namin para matutukan ang baby, kaya siguro ganito. But thanks to your story & comfort, I’m assured na once I feel baby & lumabas na sya, magiging ok din ako. ☺️💖

naku mhie same thoughts ko nong buntis ako nakarating pa nga ng baguio pero habang papatagal lalo na malapit na manganak unti unti mo na mafefeel si baby noong nanganak ako mhie nakita kl siya na iyak ako lo na noong inaalagaan ko na siya nagiba ang lahat na parang sobrang caring at takot ako lahat ng bagay

Magbasa pa
1mo ago

OMG thank you for sharing, mi. This is comforting. Pangarap ko naman talaga magka-baby and I know gusto ko what’s best for him/her, pero bakit parang ibang feeling now na nandito? I’m really wishing na phase lang ‘to. Siguro kasi hindi ko pa siya feel sa tummy ko (I’m 12 weeks pa lang) kaya ganito, no?

Siguro kc d nyo inexpect na mabu2ntis ka ng di oras kaya kung anjan na anjan na.. Pg mafeel mo na sya at lumabas na maaalagaan mo na mag iiba ka dn at ma2halin at mgging caring ka s anak mo.

3w ago

Yeah, unexpected blessing nga po. Lalo na pa-start pa lang sana career ko sa law (kapapasa ko ng Bar exams) so may promotion na sana ako and all but I chose to stay at home kasi maselan ako magbuntis & my partner & our families thought it best for the baby. Thank you po! I’m assured na once I feel baby & lumabas na sya, magiging ok din ako. ☺️💖

take your time to feel your pregnancy .. okay lahat ng pakiramdam ... consider it hormonal.imbalance -.

3w ago

Yun nga po baka rin! 😅 Thank you so much po! 💖