6 Replies

hi mommy nasanay po ba siya sa Walker? may studies kasi na bukod sa delikado ang walker e nakaka late sa walking ng baby kasi hindi sila agad nasanay na nakikita kung papaano kumilos ang paa dahil sa walker . anyway as long as nagagabay gabay siya means kaya niya makalakad . matakot ka mommy kung hindi siya nakakatayo at hindi gumagabay.. encourage mo nalang siya mag walk mag Isa tawagin mo siya sa malayo at flex mo mga braso mo na parang yakapin mo siya.. basta safe ang lakaran niya mommy open space na kung matumba man hindi siya mauuntog mas maganda may floor mat for babies... hilutin mo din mga binti niya araw2x mommy🥰 kaya yan ni baby tiwala ka lang... kung may katanungan ka pa at may napapansin pa na bukod sa late walking ay may iba pa late Kay baby mas mainam na ipaconsult agad Kay pedia🥰

Nakakatayo naman pala siya mii. Im sure takot lang siya. Ganyan ang 3rd child ko noon, baby girl din siya, takot lang talaga siya kaya hindi rin kami sumuko. Now she is 8 years old and she's fine.

yung panganay ko dati ganyan din. pero nauna siya mag talk. sa ngayon siya eh 13 years old na at pagala gala. wag mo madaliin mi. ako naman sabi ng mama ko 2years old na nung makapaglakad.

Ok lang yan mii . Ibaiba naman kasi ang development ng mga bata . Wag ka mapressure . Makakapaglakad din yan🙂

VIP Member

Yung eldest ko late din sa walking. Baka delay lang. Wag ka mag worry. Darating din siya diyan.

try to buy a playpen

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles