Hello Mommies! Just feel the need to share this. long post ahead .
First time mom here 🫶
I'm a working mom and my work is 7 hour far mula dito sa bahay, so ang uwi ko talaga is minsanan lang. 3 months pa lang baby ko at iniiwan ko na siya a daddy at lola na para makapatrabaho ako. Alam niyo yong feeling ko ngayon na torn ako if magreresign ba ako or hahanap na lang ako ng trabaho malapit dito sa amin. Btw, I'm earning 30k monthly and alam ko na sa panahon na ito ay sobrang hirap nakahanap ng trabaho plus ganon kalaking sweldo. Sobrang pagod na rin kase ng nararamdaman ko, magkahiwalay pa off ko, every off ko pinipilit kong bumiyahe after work, nakaka uwi ako dito 11PM na, tapos pagpasok ulit 3AM gigising na ako para makarating ako ng maaga sa work. Sobrang pagod na ako. Nag-usap kami ng asawa ko, sabi niya tiis muna ako kahit one year para makapundar kami ng bahay at lupa kase nakikitira pa kami dito sa kanila. Gusto kong lakasan loob ko na tiisin kase para naman sa good future ng baby ko, once na nakapundar na aalia na rin ako. Advise naman mga mommies 🥹🥺🥺
Anonymous