Jealousy, Insecurity and Toxicity

Hello mommies and daddies. Kailangan ko lang po ng makakausap. Palagi akong tamang hinala sa husband ko, mag- 2 yrs palang kaming kasal. LDR kami. Sa work lang kami nagkakilala, walang sabit po kami pareho, pareho kami binata at dalaga nun pero friends na kami bago palang maging kami so mabilis lang siya nanligaw. Ayoko na rin kasi magpakipot dahil mababa na rin tingin ko sa sarili ko (dahil may ibang guy na nakakuha ng V ko at the age of 23, long story at ibang story na yun kaya di ko nalang po ichi-chika) pero dahil po doon sa guy na yun mas naging close kami ng naging husband ko, actually nagkagusto ako sa husband ko bago ko pa nakilala yung guy (si guy kasi friend din ng bff ko sa work kaya mas naging close kami, kapag may alak may balak lol) at si husband nakikita ko siya as kuya figure noon kasi protective sya sakin, ako kasi ang panganay kaya parang naghahanap ako ng kuya-kuyahan without malisya pero yun nga nagkadevelopan din ๐Ÿ˜… Yan na po ang back story... Ang problema ko po ay... Parang unti-unti akong nawalan ng tiwala ng husband ko simula nung nakaraang taon. Magiisang-buwan na kasi hindi naguusap, nagde-develop na rin ang depression at anxiety ko by this time or even before pa ito mangyari. May ginawa siyang dummy FB account, sinearch ang FUBU niya at nakipagchat sa girls, at nakipaglokohan sa mga kaibigan niyang mga lalaki na EXPIRED na raw ang relasyon namin kaya gumawa ng bagong fb. Pang-chix daw ang fb na ginawa niya. Nabasa ko conversations dahil number nya ang gamit nya at nireset ko lang ang password nya. Kapag naaalala ko yon, nanginginig pa rin ako. Everytime uuwi siya at aalis (magrereport sa office, o mamalengke) palagi na akong paranoid na baka makipag-kita siya o may imi-meet up siya. Nababaliw na ako kakaisip. Ultimo kahit tita o mga pinsan ko, may tita ako na ka-age nya lang. Mas matanda sakin 4 yrs si husband at 5 yrs age gap kami ng tita ko. Pati mga pinsan kong babae halos ka-age ko lang. Kapag sinasabi ko kay husband yung mga napapansin ko na pasimpleng tingin nya galit na galit agad siya. Eh totoo naman. Kapag kaming dalawa lang, sobrang busy niya kaka-cellphone pero nung dumating tita ko parang nabuhayan siya ng dugo at nagsasalita na. Binitawan ang cp. Tangina. Mali ba ako ng iniisip? Ayoko na magpakain sa depresyon ko pero shit lang kasi. Never ako nakarinig ng assurance sa kanya. Palagi nalang siya defensive. Gagawan nya ako ng mabuti in the end isusumbat lang din. Masyado lang siguro akong toxic sa relasyon namin. Siya kasi yung unang lalake na sineryoso ko at pinaglaban ko sa mga magulang ko. May mga pagkakataon na naiisip ko na hindi niya talaga ako mahal. Hindi ko na po yata kaya na magisip pa ng matino. Pagod na pagod na puso't isip ko. ๐Ÿ˜ญ

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi . ang masasabi ko lang, pag defensive ang lalaki posibleng may ginagawa syang kalokohan, at ung mga pasimpleng tingin , jan din kumukulo ang dugo ko. alm mo sis, wlang sikretong hndi mabubunyag, kahit hndi ka mag ala detective, lalabas at lalabas din yan, pag nagkaganun, ipakita mo sknya consequences ng actions nya, ipakita mo na wala ka nang pake sknya tgnan mo sya din ang maghahabol. kadalasan instinct ng babae ay tama. mahirap kc baguhin ang isang tao kung siya mismo ayaw magtino

Magbasa pa

Sorry ha pero ang toxic na ng relationship nyo. Mabuti siguro magpahinga ka muna. Nakakastress pag iniisip mo yang ganyan palagi sa partner mo tas hindi ka nya binibigyan ng assurance, sya pa galit pag sinita mo. Love and value yourself. Magpa-salon ka, magpa-spa. Anything that would make you feel better ng hindi sya kasama. Pag nahuli mo sya, iwan mo. Wag kang matakot na mawala sya.

Magbasa pa