4 Weeks And 5 Days
Hello mommies! Curious lang ako kung safe bang buntis ako ngayon. Nag-pt ako last Feb. 14 then inulit ko ng Feb 15, parehong positive. Jan 16 ang last mens ko Last year, mid December na-raspa ako dahil nagkasakit ako and i didnt know na pregnant ako. I was rushed to the hospital that time kasi umiihi na ako ng dugo. November 2018 ko nalaman na walang heartbeat si baby and ayun I pushed na normal na lang siyang ilabas hanggat sa nailabas ko siya ng mid december ng madaling araw. Ayun dun na ako isinugod. Ang concern ko lang is safe ba? Ayoko na danasin ang makunan. Nakakatrauma po. And nagppray talaga ako ng baby. Gusto na namin magkababy ni hubby. Tapos po, last week Thursday masama po pakiramdam ko. Nagsusuka ako 3 times po and nagkafever ako. Nagwoworry lang ako kung ano yun and kung may effect yun sa baby? Also, any tips po para masure kong safe pregnancy na to? Thank you po.
Live Life Love