11 Replies

Ganyan din ako 7weeks hanggang 16week suka ako ng suka walang pinipiling oras kahit 12midnight sumuka ako 😂 Umiiyak ako kasi nakakapagod din yung suka ng suka. Hindi ko pinipilit sarili ko na kumain, ok lang nman po walang laman ang tiyan kung iinom ng prenatal vitamins. Alamin mo po ano nakakatrigger ng iyong pagsusuka, yung sakin kasi ayaw ko ng ulam lalo na yung masabaw or may sarsa, medyo kaya yung sikmura kapag prito, minsan lang ako kumakain ng ulam, more on oats, saging na saba, fita biscuits yung kinakain ko. Umiiwas din ako sa kahit anong amoy kasi mattriger talaga suka. Cold water helps kahit tubig nasusuka ako grabee I lose 7kg, minsan ginagawa kong candy ice cubes. And pahinga lang talaga tulog

Salamat mommy sa payo.. Ginagawa ko ngayon oatmeal nlng para magkalaman an Tiyan kay sa wala talaga kahit anong pilit ko di talaga tanggap ng tiyan ko mga pagkain.. Sana maging ok na sa susunod na weeks. Godbless❤️

Ganyan ako nung 1st tri sis,from 6weeks to 4months. Sobrang hirap,sobrang sakit sa tiyan at lalamunan kakasuka. For the 1st time in my life na-ospital ako dahil sa sobrang pagsusuka. Kailangan mo lang tlga tiisin,pilitin mo kumain kahit isusuka mo lang din. Pede ka uminom ng Pocari para di ka ma-dehydrate or Gatorade yung no sugar. Paonte-onti kumain ka. Pag di na tlga kaya,balik ka sa OB mo reresetahan ka ng ibang gamot.

4months po natapos pero 5 months may mga pagsusuka padin ako pero tolerable na.

Ganito ako ngayon 11 weeks din ako. Kahit cravings ko sinusuka ko pa rin. Sobrang payat ko rin. Nakakapanghina. Mapait pa panlasa ko. Kahit tubig malamig man o hindi nakakasuka pa rin. Kahit anong naaamoy ko nakakatrigger ng pagsusuka. Mapa ice cubes or ice chips. It will pass mommy kaya natin ‘to. 6-7 months at best bago mawala lahat ‘to :((((

kayanin nalang natin to. 😶ako ito ngayon hanggang oatmeal lng muna kasi lahat ng pagakain masasarap ayaw tanggapin ng tiyan ko. Pray na lng natin mommy maging ok na pagdating na 2nd tri. Godbless. ❤️

if sobra na pagsusuka inform mo si OB mommy possible Hyperemesis Gravidarum yan.. at kelangan po yan maipaconsult kay OB baka magkulang ka kasi sa nutrisyon mi at baka madehydrate din. avoid mo din mga pagkain or mga bagay na nakakatrigger sa pagsusuka mo.. keep yourself hydrated.. Godbless

Salamat mommy sa payo.. medyo ok ok na ngayon nag oatmeal nlng kasi palaging naduduwal. so far ngayon medyo ok ok na ng kunti. sana masurvive ko to. hehe God bless ❤️

TapFluencer

ganyan din ako nung first trim mommy, i even lost 4kg. mahalaga wag ma dehydrate para di ma-dextrose at kumain pa rin kahit pa-onti onti. bawi nalang sa fruits kahit onti. sakin unti unti lang bumalik appetite ko nung 2nd trim na ko, ngayon third trim halos oras oras na ko gutom 😅

Yes Mommy na lose ako na 3kg ngayon first tri. ganun siguro kapag ganitong palaging nasusuka tsaka kunti lang nakakain. Pero pray ko nalng maging ok na para di na ako mastress ng bongga hehe Godbless po ❤️

Normal lang yan sa 1st trimester. Nakatulong sakin yung pag adjust ng meals ko instead na 3 large meals, mga at least 6 small meals a day and pag inom ng 1-2liters of water per day. Nakakatulong din ang mga mint na candies if nauseous or naduduwal ka.

Yes po mommy paunti unti ako kumakain ngayon kasi pag maramihan naduduwal ako.. Salamat po sa payo po. God bless ❤️

ganyan din ako buong first trimester . halos kulay green na sinusuka ko. kahit tubig ayoko . pero pinilit ko uminom ng tubig sa madalingvaraw nga malamig na tubig at tube ice kinakain ko pero wala padin . nawala lang sya nung nag 2nd tri nako

Yes po mommy naexperience ko to halos an asim na ng sinusuka ko. sabay iyak kasi nahihirapan na ako. Pray ko nalng maging ok na sa susunod na weeks. Godbless ❤️

Same tayo mommy. I lost 10kgs nung 1st trimester. Umiiyak na ako kakasuka. Pero nung start ng 2nd tri, umokay na. Nawala na yung pagsusuka ko. Kaya mo yan mommy

Ganun nga ako mommy.. ngayon bawas ako na 3kgs. sa kakasuka sana next week maging ok na. God bless po ❤️.. Pray nalng talaga na maging ok na.

Same experience 12weeks na super nakakapanghina 😔 kaya minimal nalang ako kumain kahit water isinusuka ko din 😓

Yes po ganun din ako ngayon mommy kaya nga stress na ako kung ano pwdi gawin kaya naisipan ko na magpost para makaask help sabi kasi ng OB normal lang daw to hehe.. Kaya Pray nalng na maging ok na. God bless po ❤️

VIP Member

Kaen lng prutas na. Tas suka ult. Try m mami ung Nauseacare, based on my research dn baka need ntn ng magnesium

Sige mommy tatry ko din yan salamat po.. Godbless.. ❤️ Hirap pala magbuntis kapag ganito nafefeel hehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles