2ndtimemom question....
Hello mommies, ask ko lang po. Sa mga nakaranas po manganak nang 37-38weeks. No complications naman po ba? Like full term napo ba sya? Sabi po kasi nang iba is hindi pa. Pero marami din nagsasabi na fullterm na. Btw, 2nd time mom napo ako. And ang goal kopo sana is around 37-38weeks makapanganak nako para dina sobrang lumaki yung baby lalo na't gutumin na ang mommy. I am currently 35weeks, nad nagask po ako para malaman po in advance. Please answer my question with respect po. Salamat mommies 🫶🏽 #2ndtimemom ##AskingAsAMom #Needadvice

37 weeks is full term na pero ang sabi sakin ng OB ko sa first baby ko mas okay manganak ng 38-39 weeks, ang due date kasi natin ay "estimate" lang, +/- 2 weeks dahil walang way para malaman kung kelan talaga sila nabuo. Kung 37 weeks minus 2 weeks pwedeng si baby pala ay 35 weeks palang talaga, kung 37 weeks plus 2 weeks si baby ay 39 weeks na talaga. Pero again, full term na ang 37 weeks. I gave birth sa panganay ko ng 38 weeks via NSD. 3.3 kilos pero hindi siya malaki. Payat na mahaba siya nung newborn. Sa second baby ko naman 39w 5days ako nanganak, 3.5 kilos via NSD. Si second baby malaki talaga dahil napabayaan ko diet ko at GDM ko nung last month na. 2.6 kilos lang siya nung 36 weeks ako, nakampante ako dahil malapit naman mag-full term kaya lumakas kain ko, after 3 weeks 3.5 kilos na agad siya. So kung ayaw mo lumaki si baby control talaga ng diet ang kailangan, konting tiis nalang naman mii. Pagkapanganak mo, eat all you can and want na!
Magbasa paAko momsh, saktong 38 weeks ko pinanganak yung first born ko. Healthy baby and 2.9kg sya🥰 Sabi ng nagpaanak sakin pinakamaganda daw na manganak ay pag 38weeks Kung nasa 37weeks kana momsh control kana sa mga heavy meal lalong lalo na sa kanin. Ako yung asawa ko minomonitor nya talaga yung mga kinakain ko kase kapag malaki na talaga tiyan dyan mo na mafifeel na halos every minute parang nagugutom ka gusto mo kumain. Then yung mother-in law ko din nun sinabihan ako na wag matutulog ng tanghali kase nakakalaki pa daw yan mg baby. More on walking na ako nun momsh tas patagtag ng tiyan.
Magbasa pafull term na po ang 37weeks pwede na manganak anytime after 37weeks, sa dalawang anak ko po 37weeks nagpapatagtag na ako lakad here and there exercise ng pampababa ng baby hehe ayun both sila lumabas ng 38weeks, yung isa 38weeks and 4days, yung isa 38weeks and 2days base sa LMP 😅
hi mie. ako ftm pero sabi po ng OB ko is 37 weeks full term na baby ko. kaya ginoal ko din po na sana makapanganak nako ng 37 weeks or 38 weeks. pero now po 39 weeks na po ako No sign of labor last check up ko nung thursday 3CM palang po ako.
ang goal mo is 37-38? nako mi di mo yan masasabi kung kelan lalabas si baby .prutas gulay kana lng muna mag less rice ka para di lalo lumaki . 37 weeks fullterm na un
38weeks sakto, nanganak ako dati. ok naman baby! 😊 37weeks 1 day is pwede naman na yon. fullterm na
depende parin Kay baby kung kelan niya gusto lumabas. pero full term na Ang 37 weeks.
ako mie sakto 37 weeks strong naman si baby.