2ndtimemom question....
Hello mommies, ask ko lang po. Sa mga nakaranas po manganak nang 37-38weeks. No complications naman po ba? Like full term napo ba sya? Sabi po kasi nang iba is hindi pa. Pero marami din nagsasabi na fullterm na. Btw, 2nd time mom napo ako. And ang goal kopo sana is around 37-38weeks makapanganak nako para dina sobrang lumaki yung baby lalo na't gutumin na ang mommy. I am currently 35weeks, nad nagask po ako para malaman po in advance. Please answer my question with respect po. Salamat mommies 🫶🏽 #2ndtimemom ##AskingAsAMom #Needadvice

37 weeks is full term na pero ang sabi sakin ng OB ko sa first baby ko mas okay manganak ng 38-39 weeks, ang due date kasi natin ay "estimate" lang, +/- 2 weeks dahil walang way para malaman kung kelan talaga sila nabuo. Kung 37 weeks minus 2 weeks pwedeng si baby pala ay 35 weeks palang talaga, kung 37 weeks plus 2 weeks si baby ay 39 weeks na talaga. Pero again, full term na ang 37 weeks. I gave birth sa panganay ko ng 38 weeks via NSD. 3.3 kilos pero hindi siya malaki. Payat na mahaba siya nung newborn. Sa second baby ko naman 39w 5days ako nanganak, 3.5 kilos via NSD. Si second baby malaki talaga dahil napabayaan ko diet ko at GDM ko nung last month na. 2.6 kilos lang siya nung 36 weeks ako, nakampante ako dahil malapit naman mag-full term kaya lumakas kain ko, after 3 weeks 3.5 kilos na agad siya. So kung ayaw mo lumaki si baby control talaga ng diet ang kailangan, konting tiis nalang naman mii. Pagkapanganak mo, eat all you can and want na!
Magbasa pa