Not feeling baby movements at 23 weeks

Hi mommies, ask ko lang kung may similar experience po sa inyo na this far in pregnancy ay di masyadong maramdaman yung paggalaw ni baby? Normal naman po heartrate nya from my check up 2 weeks ago and may times last week na ramdam ko talaga kicks nya pero the past 2 days halos wala akong maramdaman kahit iyugyog ko yung tummy ko 😕 I know na normal lang daw yung inconsistencies sa movements ni baby pero nakakapag-worry lang talaga as a first time mom. Baka po may advice kayo or tips to feel baby's movements more?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kong 1st time mom mo pa, madalang mo lang talaga ma fe-feel yung movements kahit nga nung umabot ng 6 months minsan meron minsan wala, wag niyo iyog2 tiyan niyo kawawa naman baby niyo sa loob.. The best thing you can do is learn the pattern po, sa pagkaka alam ko based na din sa experience ko may sleeping pattern na kasi that age, kaya hindi mo ramdam ang galaw masyado, pwed din anterior placenta, ibig sabihin ang position ng placenta ay nasa harap imbes nasa likod. Music at story telling yung stimulation ko starting 18 weeks, kpag minsan di gumagalaw hinahayaan ko kasi most of the time tulog kapag early stage. Mararamdaman mo lang oras2 si baby kapag nasa third trimester ka na, or endpoint ng 2nd trimester. Be patient po. Lalo na kong 1st time mom pa

Magbasa pa
2y ago

Thank you po for sharing and for your advice, mommy. Nakabawas po sa worries.

anterior placenta ka ba mi? malaki kase ang chance na kapag ganun is di mo masyado mararamdaman movements ni baby. tsaka may mga lazy days talaga ang mga baby😅 if normal naman heartbeat ni baby ,no worries. ganyan talaga mi pag ftm nakakapraning😅 ganyan din ako e pero natutulog lang pala baby ko. ngayon grabe halos di ako patulugin sa likot niya at sa super active niya nagkaroon na siya ng single cord coil😅 kain ka sweets mi gagalaw yan hehe pero limit lang ha. tapos bili ka doppler para if ever na magworry ka kung ok lang ba si baby sa loob, maccheck mo heartbeat niya😊 120-160 bpm ang normal rate.

Magbasa pa

Naging worries ko din yan Momshie last week lang,dinala ko pa nga sa Health Center yang concern ko at ang sabi sakin ng doctor normal lang daw na di pa ganun kasama mga movements ni Baby kasi maliliit pa raw ang mga buto nya so kapag sumisipa sya di pa ganun kalakas kaya very minimal pa nararamdaman natin usually raw sa 7th and 8th Months pa yung talagang magugulat tayo sa movements and kicks ni Baby...at Least 10 movements every 12 hours daw ay ok na...

Magbasa pa

Ganyan din ako dati mi anterior placenta. Madalas sa gabi ko lang sya ramdam pero di naman ako nagworry kasi monthly okay naman check up ko. Pag dating ng 8months saka lang naging wild yung pag galaw nya as in bumubukol na sa tyan hehe

akin nga po 3months na pangatlong baby Kona ito pero diko ramdam Yung pag pitiK nya pero kapag di Naman ako humihinga may parang tumitibok sa puson ko sa dalawa ko namang baby boy Hindi Naman ganito

antayin mo mi as long as nagpapa check up ka naman sa ob. sa akin noon 4 months ko na naramdaman nun may pitik pitik na. tas nung 5 sobrang likot na.

Naku mii ...Baka po baby girl ..May mga bb girl na hindi tlga malikot katulad nung 1st ko ..bb girl siya pero hindi tlga malikot ...

2y ago

Yes po less movement po pag baby girl e ..pero yung heartbeat po mararmdaman nio padin .. unlike kapag lalaki masyadong malikot🤭🤭

baka po anterior placenta kayo mi kasi kadalasan po ang sabi kapag anterior ay mas lesser mo mafifeel ang movements ni baby

ganyan din ako mommy,gumagalaw lang anak ko kapag madaling araw o gabi,and kapag gutom na or once na nag ice cream ako

VIP Member

Ganyan din po ako noon. Mag 6m na ata tyan ko noon bago ko naramdam si baby. FTM