REACTION! ??????

Mommies ano unang reaction nyo nung nalaman nyong pregnant kayo? Ex. Pagkalagay nyo ng urine nyo sa PT at unti unting may lumalabas na two lines! Nagsisigaw ba kayo sa loob ng CR? ? Saka syempre importante yung reaction naman ni Daddy? Paano nyo sinabi? Surprised ba? Pinagsigawan nya ba sa mga kapitbahay na magiging Daddy na sya? ?? Anu-anong adjustments na yung nagagawa nyo bilang Mommy at Daddy sa pagdating ng pinakamagandang blessing sa buhay nyo?

64 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

biruan lang namin na pinabili ko sya PT kasi ilang days palang naman akong delayed. yung mga couples kasi sa circle of friends namin, puro buntis na tapos sabi namin, ako na siguro susunod. haha. tapos nung nagpositive, hagalpak kami sa tawa sabi nya totoo palang nakakahawa ang pagbubuntis. haha. about time na rin naman kasi yung first born ko, mag-si-7 na sa September and nagrerequest na ng kapatid. :3

Magbasa pa
VIP Member

mejo my hinala na kami dat tym na buntis ako, bumili na kami ng pt ng hubby ko and sabi ko tomorrow morning para first pee sa umaga. 4am ginigising na ko ng hubby ko at mag pt na daw ako haha.. ayaw nyang ako lang maglagay sa pt kit gusto nya nakikita nya kaya nilabas ko pa sa cr ung ihi ko πŸ˜‚ then xa nagpatak, gusto nya makita mismo paglabas ng two lines haha, kakatawa araw na un.. 😁😁😁

Magbasa pa
VIP Member

Sa first baby ko april ko sinabi sa kanya kasi april birthday nya ayun tuwang tuwa pinag kakalat agad sa mga kaibigan nya na tatay na sya. tas ngayon sa 2nd baby ko diko alam kung nag kakataon lang ba kasi april ko din nalaman na buntis ulit ako eh iniba ko na way ko ng pag sabi inapril fools ko sya haha ending pinagamit ulit ako ng PT positive talaga ayun naniwala na syaπŸ˜‚

Magbasa pa

Nung nalaman ko na buntis ako Chinat ko agad si bf sabi ko mai sasabihin ako. Sabi nya pumunta nalang daw ako sa bahay nila kasi busy sya -.- Nag aayos na kasi ng requirementz para sa work sasakay na sya ii πŸ˜… Pag sabi ko sa kanya sabay abot ng PT Sabi ba nmn sakin " yan tama yan para di ka maka gala di kana din maka hanap ng iba " Sinadya nya ata hahaha

Magbasa pa

May 19 ako nag pt ng gabi, usually isang pt lang binibili ko kasi nasanay na ko na negative pero this time ewan ko bakit dalawa binili kong pt πŸ˜… pagka pt ko, nagulat ako kasi may visible na linya agad sa baba sa T line, nanginginig ako at nung nakita kong 2 lines ang lakas ng tibok ng dibdib ko at pinawisan ako ng bongga. Sabay dasal at pasalamat. ❀️

Magbasa pa

Una kong PT faint pa second line pero deadma ako punta kay hubby tas sinabi ko. Nung una ayaw mag react kasi faint ang line at 5days pa lang akong delayed. Naka 4 na try uli ako. Ganun pa din. Sinabi na ng O.B ko punta ako sa kanya. Sobrang Blessing kasi pagka confirm na pregnant ako sabay ng job interview ni hubby at tanggap din sya sa work.

Magbasa pa
VIP Member

I was surprised, teary-eyed, nervous and happy at the same time. Natahimik si hubby non parang di pa nag sink in sa kanya agad tas niyakap nya ko. πŸ˜‚ Hindi naman nya pinag sigawan but I felt that he was happy. Sa naging adjustment napansin ko mas lalong naging sweet ang husband ko I mean sweet na sya noon but he's sweeter than before.

Magbasa pa

Nako mamsh hahaha, nung gabing sinabi ko kay hubby na buntis ako magkaaway kami, nakikipaghiwalay nako non hahaha, tapos isusurprise ko sana sya yung pt nilagay ko sa box ayaw niya buksan nakasimangot tapos nung ako nagbukas sabi ko sa kanya "Ayaw mo pa buksan ang arte mo o ayan buntis ako🀣" sabay ngiti ang nakasimangot hahahaha

Magbasa pa

Nung nag pt ako malabo pa isang line kaya medyo di pa ako gaano nag expect. Irregular kc period ko and medyo may taon na din kmi nag tatry magbaby. Napaluha lang talaga ako nung pagtapos ng trans v na kc confirmed na talaga at my heartbeat na baby ko. Hanggang ngaun every ultrasound ko at nakikita ko baby ko naluluha p din ako

Magbasa pa

Congrats momshie.Ako natatakot nako gumamit ng PT kase twice akong nadelayed nakailang PT ndin but it turns negative sobrang nakakalungkot nung may symptoms na ng pregnancy ang sabi ng hubby ko yehey! Hindi na maiinggit si mommy magkakaroon ndin kami ng baby πŸ˜” (btw. May unang anak si hubby sa ex nya)

Magbasa pa