Bonding time with baby

Hi mommies. Ano po bonding niyo ni baby? 1month old po baby ko. Di po kasi talaga ako madaldal kaya di ko masyado nakakausap si baby. Minsan lang kapag dalawa kami, dun ko siya dinadaldal. Mahiyain po kasi ako lalo pag may ibang tao.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pinaka bonding namin ng baby ko ay ang Breastfeeding... kaya hirap ako ilet go yan... di pa rin kami nag wean siguro hanggang gusto pa ng baby ko hahayaan ko siya dumede sa akin.. yan ang pinakabonding namin from day1 til now 15mos na siya .. Introvert ako at mahiyain din.. pero baby ko yun e.. sakanya lang ako madaldal .. kahit introvert ako ayaw ko lumaki baby ko na tulad sakin di marunong makipag usap sa iba.. Kaya mo yan mii🥰 gustong gusto ng baby mo na kinakausap mo siya kaya wag mo ipagkakait yan sakanya .. Godbless

Magbasa pa
2y ago

Yes mii pag kami ni baby kinakausap siya kahit na di tlaga ako madaldal hehe. Gusto ko din ibf si baby kaso patak lang milk ko. Sana ganyan din karami milk ko🥹

wag mo na isipin yung hiya mi 😁 para kay baby. . normal lang naman na kausapin mo si baby kahit sa maraming tao., don't mind them kasi baka naman they don't really mind you din naman kapag kinakausap mo si baby. sanayin mo na para pag laki ni baby hindi din sya mahiya kausapin ka 😊 sulitin mo habang baby pa sya ❤️

Magbasa pa

Mahiyain din ako. Nung buntis nga ako di ko kinakausap si baby kasi feeling ko mukha akong tanga kahit kami lang dalawa. Kaso pag labas, mawawala talaga hiya mo mi hahaha. Lalo na pag nasa stage na sya na nabobored na, walang hiya hiya, mapapadance number ka talaga para lang tumigil iyak ni baby 😂

2y ago

Hehe thank you mommy. Nung buntis ako pag kinakausap ko si baby sa tummy ko yung dadalawa lang kami. Kahit kasama ko asawa ko nahihiya pa din ako kausapin si baby 😂

Kaya mo yan mi. Mahiyain din ako at kagaya mo hindi ko masyado nakakausap si baby nung una pero nabasa ko na kailangan talaga sa development nila yan kaya pinilit ko. Three months na si LO ko ngayon at ang daldal-daldal na. Hehe I support you mommy!

2y ago

Salamat mommy. Pinipilit ko talaga. Ayaw ko din magaya sakin si baby. Huhu. Basta para kay baby 🥰

VIP Member

sa una lang yan mommy, pagka tumagal tagal at palagi kayo magkasama ni baby, mawawala na yang hiya mo and matututunan mo na sya kausapin at laruin. kailangan yan sa development ni baby ❣️

2y ago

Thanks mii. Para kay baby gagawin ko lahat. Ayaw ko siya matulad sakin na sobrang mahiyain🥺

Ako momsh kanta lng ng kanta kht sintonado 🤣 Talk to your lo make funny faces. Daldalan mo lng sya kong ano ano. Ako walang paki sa ssbhn ng iba wala ng hiya hiya dapat charr 😂

- kantahan nio po sya - paliguan pag good mood (wag pilitin paliguan pag bad mood sya - eye contact - skin to skin - show different facial expressions - kwentuhan nio po lagi

Magbasa pa

tanggal hiya po pag may anak ka na. gagawin mo lahat oara sa baby mo esp sa development. talk ang talk and talk sing to your baby yan ang bonding ng 1month talaga. kkwentuhan mo

Magbasa pa
2y ago

Salamat mi. Unti unti na din akong dumadaldal dahil kay baby😅 yes mi lagi ko siya kinakantahan hehe

You need to talk to your baby, para din yun sa development niya. Okay lang yan momsh, hindi ka nag-iisa hehehe. Ganyan din ako, 1 month mahigit pa lang baby ko.

2y ago

Salamat mii. Basta pra kay baby 💕

sis. if i were you po. kausapin mo ng kausapin si baby kahit may tao o wala. makakatulong ang palaging pag kausap mo sakanya sa development nya.