Turning 38 weeks

Hi mommies! Ano po ang naramdaman nyo nung 1cm na kayo? Kasi mabigat puson ko ngayon tsaka parang tigas ng tigas tiyan ko and feeling ko minsan biglang mapupunit pempem ko pero nawawala din after kung di ako manganak until next week reresetahan na ako ng primrose ng OB ko para daw lumambot kwelyo ng matres ko, ano pong ginawa nyo para mag labor kayo?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende din kasi yan mi sa OB.. 2nd ko lying in lang ako nanganak. Hindi ako sinabihan nun na magsalpak actually hehe midwife lang din nagpaanak sakin. Inip lang talaga ako nun at nabasa ko lang din dito un na pwede nman pala mag salpak. Ung sa 3rd ko sa pgh na ko nagpapa check up nun, nagulat lang ako nun sa OB ko sa reseta nya, at 37wks niresetahan ako primrose 3x a day oral tas magsalpak din daw ako ng 3, hindi ko sinunod kasi angdami hehe. Nag inom lang 2x per day kaya ganun kasi un ayoko talaga madaliin kasi ayoko manganak ng katapusan ng Nov 😅 December 3rd na ko nanganak. Huling checkup ko pa nun dec 1 sabi sakin hindi pa open ung cervix ko pero sobrang lambot na daw. Ung primrose pwede naman ata kahit walang reseta kasi one time asawa ko pinabili ko, hindi naman sya hiningian reseta.

Magbasa pa

Di ka nirestahan mag salpak ng primrose sa kiki mo? Mas effective kasi un. Sa 2nd ko nun 1 cm din ako at 39 wks. 3 sinalpak ko primarose bago matulog kinabukasan nun nagsimula na ko mag.contractions. Ung sa 3rd baby ko di na ko nagsalpak kahit na niresetahan ako.kasi sabi naman sakin ng OB malambot na cervix ko.pero di pa open.

Magbasa pa
2y ago

Mag mommies case to case basis pa din po ha. Nag share lang po ako experience ko. Mag dedepende pa din po yan sa case nyo. Si OB or midwife pa din po nakakaalam ng dapat pong gawin sa inyo. Hindi po.porket nag work po sakin ung primrose e mag work na din po sa inyo. Nagdedepende pa din po yan sa pag check ni OB nyo kung need nyo ng primrose o hindi.