30 Replies

I had a gay bff, tagal na ng friendship namin mula elementary. May pinatago akong pera sa kanya, kasi nagkasama kami sa work. 800 lang naman siya pero big help narin pandagdag ko sana pampa adjust ng braces ko, di pa ako preggy that time eh😅 nangyari siya 2018, nung kinukuha ko na sa kanya yung perang pinatago ko, (Sept 2018)sabi niya nawalan raw sya ng pera. Then November kinukuha ko na kasi may new work na siya (call center agent) nakasahod na rin naman siya and nakikita ko sa fb stories nya lagi siyang kumakain sa labas 😅 kaso palagi nya akong pinaghihintay, ako na nag insist na ako na pupunta sa bahay nya para di na siya mahassle pero ayaw nya. Ang daming allibi hahahah hanggang sa December na, di na nya siniseen mga chat ko. Pati tawag ko di nya sinasagot, so tinanong ko sya na “anong problema, kung galit ka dahil sinisingil kita, sge di na kita sisingilin” then bgla nagreply na may nalaman daw sya sa iba na binaback stab ko raw sya kaya ayaw nya ko makausap, another allibi nanaman. Hahaha hanggang sa tinatanong ko sino nagsabi sa kanya and ano ung sinasabing binackstab ko siya, wala naman siya masabi. Then tinanong ko siya ng before mag christmas, kung maibibigay nya ba talaga kasi madami akong inaanak pandagdag pamasko na rin nila pero dedma pa rin. Wala na hinayaan ko na lang hahaha inalis ko na lang siya sa buhay ko ang binlock. kasi sa halagang 800 pinakita nya ugali niya , and di na nya naisip ung pinagsamahan namin 😅 super na hurt ako non parang nakipag break sa jowa hahahaha kasi super close nga. Pero now, okay na ko ☺️☺️☺️

Mas matindi yung umutang sakin 5 yrs ago na, sa tiwala ko sknya na babayaran nya kgad ako dhil alam ko nmang meron silang business at may kaya sila kaya pinautang ko sya ng 100k, pumayag dn akong pautangin sya dhil sbi nya lagyan ko daw ng interest syempre ako nman naisip ko kesa nga nmn nakatengga lng sa banko ipahiram ko muna tumubo pako, so ayun na nga tinubuan n ng ugat yung utang nya sakin, pero last year nagsimula n kong singilin at kulitin sya sa utang nya, lahat n ng pagmamakaawa, galit, emergency reasons nasabi ko na sknya, ang dahilan lng dn nya skin wala syang pera, pero pinaghahanap ko sya ng paraan kaht hulug hulugan nya lng ako, kaso ung hinuhulog nya sakin ung sa interest ng utang nya. Kakastress magpautang, kaya after nun never n tlga ako nagpautang

May nangutang sakin before, ginamit pang ayos ng papers pa abroad, hindi talaga ako nagpapautang pero since kilala ng byenan ko and naawa talaga sya kasi di maka alis ipinakiusap nalang nya sakin. Tiwala byenan ko kaya nagtiwala din ako, ayun naka alis naman sya 15 mos na yung utang nya sakin hinulog hulugan na nga ako, di padin natapos inabot na ng virus, di na ko naniningil, alam nya pang buntis ako at manganganak. Pag sinisingil ko parang ang sama sama ko pa. Nakakainis lang, kaya bahala na sya sa sarili nya, di na sila makakaulit samin ng byenan ko sya at yung nanay nya na mahilig din mangutang. 😒

Ako pinautang ko yung kapatid ng asawa ko 15k. Inutang ng feb. Gusto pa 30k. Nag away kami ng asawa ko. Kasi akala ata natae kami ng pera. Nakakabwiset pa alam naman buntis ako at maselan panay ang utang. Mas nakakabwiset pa nun mapautang ko ang sasarap ng ulan pinopost pa sa fb with meryenda pa samantalang ako na inutangan sardinas ang ulam. Nakakaasar! Ngayon sinisingil ko na siya. Guess what kung anong sinabi? "Pasensya na krisis kasi" kakabwiset lang. kung hindi ko lang mahal ang asawa ko hindi ako mag papautang. Kaineys!!!

Yung may MGA utang sakin nasa ibang bansa 2 yrs na yung utang nung isa at yung isa mga ilang bwan na syempre need ko na talaga sya lalo ngayong buntis ako, ang hirap talaga maningil sobra kasi puro pangako hehehe ginawa pinagmemessage ko lahat ng kapatid at magulang nila ayun that day nagsabi magbabayad na, following days ta dah my laman na si bangko natuto na akong hindi mahiyang maningil kasi lalo di biro yung halaga di pwedeng tayo pa ang mahiyang maningil sila nga di nahiyang mangutang 😉

HAHAHAHAHAHA! Tawang-tawa talaga ako. May utang sakin yung friend ko noong nakaraan pa tapos nagkausap kami nito lang at sabi ba naman nya kung kailangan ko raw pandagdag sa budget ko sa panganganak, magsabi lang daw ako sakanya dahil may extra raw siya. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Grabe! Tawang-tawa ako sakanya. Gusto ko sanang sabihin na sana bayaran na lang nya utang niya kaysa pautangin nya ko. Pero bakit ang hirap maningil :( bakit ako pa ang nahihiya!!! haaayy..

VIP Member

May nangungutang na nga din dito sa app eeh. 10k pa ang gusto, eeh naka anonymous naman. Nakakaloka mamsh. Hahaha Me personally, hindi ako nangungutang dahil di din ako nagpapautang. Bakit? Kasi marami nang pagkakaibigang sinira yang utang na yan. Mahirap kasi pag panahon na ng singilan, yung pinautang mo sya pa galet. 😩 kaya ayun, I want to keep my life stress free. 🤗💖

1. Ung maamong tupa kapag lalapit at mangungutang pero pag singilan na sila pa galit. 2. Taon na di ka man lang kinakumusta tapos all of a sudden biglang magcchat, mangangamusta. Pag nireplayan mo naku kasunod na linya nun "pwede ba makahiram/ makautang" 3. Always present pag nangungutang pa lang. Pag nakautang na tila multo na di mo na makikita

mahirap pag kaibigan pinautang kasi tayo pa nahihiyang maningil, 2013 pa yung utang until now hnd pa bayad okay sana kung maliit lang pero nasa 25k+ din yun, hinihintay ko na lang na magkusa pero mukhang wala na, nakakainis lang kasi may pambili kotse, cellphone, mga may breed na aso at panggala pero hnd makaalala magbayad :( haist!

Ako nangungutang sa mga tropa ko sa work. Barya lang naman. Hanggang 100 lang. Minsan di ko na binabayaran nililibre ko na lang sya ng mas mahal tapos sasabihin ko. Bayad na ako. Ganun din sya. Pag may utang sya manlilibre para kwits na 🤣

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles