pagsusuka
Hi mommies! Sino po dito may experience ng malalang pagsusuka dahil sa pregnancy? Share your stories. Ano po ginawa nyo para mabawasan pagsusuka? Sa anong pagkain ka nasusuka? ? Posted: 04/21/20
Ako mommy sobrang pagsusuka ko sa dito sa baby girl ko. As in pag'gising sa umaga tapos halos every 2hours pagitan. Pinaka'worst na try ko na may kunting dugo na sumama sa suka ko kasi nagasgas na lalamunan ko. Tapos ang kinakain ko nlang plain n lugaw uong walang luya at paminta o kaya oatmeal nlang. Tapos pinaka'ayaw ko ng amoy ng karne ng baboy ata di rin ako kumakain ng baboy noon nasusuka ako maamoy ko palang. Kaya di ako mkapag'grocery at makapunta sa palengke noon. Para medyo mawala yong pagsusuka ko lagi ako may candy. Since buntis kinakain ko na candy mga Sugarfree gaya ng Cavandish and Harvey na Candy flavor either mint or mixed fruits.
Magbasa paSharing my Experience lang po. December 25,2019 Medyo nahilo at parang walang ganang kumain kahit na Crispy pata ang iniluto hahaha Dahil alam ko na buntis na ako nun hindi lang ako agad nakapag Pt January 10,2020 Kumain ako sa Canteen at inulam ko ahy Adobong baboy after ko kumain nun nagpahinga lang ng konti Pakiramdam ko parang masusuka na ako So ayon kada kain ko ng Baboy nagsusuka ako 2weeks after nun dina ako kumain ng Baboy dahil parang si baby nag Crave kay Jollibee So ayun na Naglihi ako sa Friend chicken until now Hahaha 6months preggy na ako today naka maintain pa din ang Bp ko dahil sa pagbubuntis ko hindi tumaas ang Bp ko.
Magbasa padepende sis sa kinakaen mo, di ka naman masusuka dun sa mga pagkaen gsto mo. peeo may gsto k dati n ayaw mo n ngaun. tpos ung mga di mo kinakaen dati un na kinakaen mo ngaun. kapag nasusuka ka, isuka mo lang di nmn kc mapipigilan yan sunod sunod yan, titigil din nmn. pahinga k lang. khit minsna nakatitig k lng nasusuka ka bigla normal un. after mo sumuka wag kang kakaen, uminom k maligamgam n tubig or mainit na gatas pra mawala ung sakit ng tyan mo. oo nakakapnghina siya sobra, kaso dhil sa baby mo yan kaya ganun tatanggapin mo nlng hehe. unf ibang mamshy hndi nhirapan maglihi kya di sila masyadong nagsusuka. sana all βΊ
Magbasa paDuring may 1st trimester. Lahat ng kinakain ko sinusuka ko kaya hirap na hirap ako. Working pa ko as Staff Nurse nun. Worried ako kasi baka wala ng nutrients na naaabsorb si baby. Naging SGA pa si baby nun kaya sibrang worried ako. Kaya ginagawa ko small frequent meals lang ako, ngumunguya ng ice chips at more on fruits talaga ko. So far nung nag 2nd at 3rd tri na ko nawala na din sya. My latest Ultrasound healthy naman si baby. Struggle is real pero I know makakaya to. Konti na lang. Happiness is on the way. Btw I'm 33 weeks and 5 days na today. π€°π»
Magbasa pafrom 1 to 3 months lahat halos ng kinakain ko sinusuka ko lang kaya minsan nawawalan na ako ng gana kumain may pasok pa nun sa school nun dahil hs teacher ako kalbaryo talaga kase kailangan ko lumabas ng klase para pumunta ng cr at magsusuka suka kaya naiiyak ako kase kailangan ko din pilitin kumain para sa baby ko.. pero pinaka ayaw ko talagang naamoy yung kamatis at toyo iritang irita ako dun at lalo sa asawa ko kase hindi nawawala sa pagkain nya yun.. pero nung nakita na nya ako umiyak kakasuka ayun nagtiis na kumain ng walang sawsawang toyo at kamatis.. hahaha
Magbasa paShare ko lang mga momshie .. Sa panganay ko isang beses lang ako nagsuka after nun di na ako maselan sa pagkain lhat kinakain ko ... Tapos etong second baby ko ang hirap nasa trabaho pa ako at di mkapag focus kase kahit anong maamoy ko at makain ko nasusuka ako ...gang 6months ganito systema ... Yung unang month ko .. tinatanggap lng ng sikmura ko ay ang soup sa jollibee tapos tasty na may palamn na mayonaise kapg kanin sinusuka ko na ... Medyo magastos kase magkano yung soup sa jollibee kapg ngluto nmn ako ng soup ayaw gusto jollibee lng talaga .
Magbasa paAko nung 9 weeks pregnant ako sis. Grabe. Lahat talaga ng kainin ko sinusuka ko. Ang hirap to the point na wala ka nang maisuka pero nasusuka ka parin. π Tas triny ko na mag "small frequent healthy meals". Siguro mga 6 times a day ako kumakain pero konti konti lang. Every 2-3 hours kumakain ako para di ako malipasan ng gutom at para hindi naman din ako sobrang busog. Tas kumakain din ako ng Ginger Candy. Effective naman sya sakin. Ngayon na 11W5D na ako bihira nalang ako magsuka. ππ
Magbasa paAko hirap na hirap this 1st tri sis.. Ngayon 14 weeks na c baby. Pa konti2x n lng. Iwas2x talaga ako sa mga bagay na nagpapasuka sa akin. Isda, mabaho/malansang amoy, at ginigisang ulam. Kahit amoy ng noodles ayoko din. I zip cold water para ma relax ung tyan ko. Sana matapus na taga tong pagsusuka ko. Nag research din ako sa mga side effects ng vitamins ko. Dalawa dun eh may side effects na nausea at vomiting.. Kaya minsan naduduwal dalaga ako pag uminom na ng vit.
Magbasa paako nga hanggang ngayon na 7 months na ang tummy ko nag susuka parin ako pero atleast di na tulad ng dati nung 1st and 2nd trimester ko puro suka ako, halos lahat nga kinakain ko nasusuka ko lang o kahit sa pabango na maamoy ko nasusuka na agad ako kaya bumaba yung timbang ko nung 1st and 2nd trimester ko. ngayon lang ako medyo nagka laman2 ng konti dahil nakakakain na ako kahot papano. pero still morning sickness is still there.
Magbasa paGrabe suka ko non, pag gising ko kahit alam kong wala naman akong ilalabas e suka ako ng suka. Masakit tiyan and lalamunan ko kasi wala talaga ako mailabas. Nagkakape ako tska biscuit para hindi ako masyado magsuka. Wala akong gana kasi alam ko lang isusuka ko din yon. Pero tsinaga ko kasi kawawa baby ko. So far nakaraos ako for almost 2 months na umaga hapon gabi ang pagsusuka. Akala ko di na matatapos ππ
Magbasa pa