Takot manganak sa Public Hospital

Hi mommies, ang dami ko po nababasa sa social media about sa experience ng marami sa treatment sakanila nung manganak sa mga public hospitals, mostly negative experience nila. Nagdadalawang isip me now if mag public hospital ako. Sa June next year pa ako manganganak. Any idea po how much ang gastos sa mga private clinics na sabi nila mas maasikaso ka daw ng maayos, para makapag ipon na ko as early as now. Thank you po sa sasagot.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Private Check up ako sa OB ko then affiliated siya sa Public Hospital kaya ok na ok ang treatment sakin since hindi resident humahawak sakin nung nanganak ako ☺️ zero bill ako sa hospital yung binayaran ko is OB, Anes, & Pedia since lahat sila private doctors na affiliated lang sa public hospital