Medyo Creepy
Hi mommies. 7months preggy ako, at hindi ako makatulog ng maayos sa gabi. Pang gabi ung asawa ko sa work kaya dalawa lang kami ng panganay ko ang magkatabi. Nakakaidlip ako 1am na tapos nagigising ako 2:30 am palagi. Sakto laging 2:30am. Kagabi nagising ako ganung oras din tapos pagpakiramdam ko antok na ko at makakatulog na, bigla akong nagugulat na parang may gumigising sakin parang ayaw ako patulugin. Minsan pag papikit na ako may natunog nalang bigla ung drawer namin wala naman nakakabangga pero natunog. Grabe po as in wala na ko naitutulog. Hanggang sa mag umaga na 8am nauwi asawa ko. Tsaka palang din ako sasabay ng tulog sakanya. Sobrang hirap po. Di ako makatulog ng maayos pag wala sya. ?