Kailangan ko ng kausap

Hi mommies :) 2mos palang nung nanganak ako via CS sa second baby ko. Ngayon ko lang naramdaman to. 😞 Ok naman kami ng partner ko, Nagsasama kami. Nabibili naman niya needs ng anak namin. Pero hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko 😒 bago kasi kami nagkakilala, hilig na niya magmotor, rides kung saan saan. Makipag inuman sa mga kaibigan. Simula nung nabuntis ako, ineexpect ko na magbabago na siya. Na alam na niya limitations niya ganon. Pero ngayon parang mas lumala siya. 😞 Alis ng alis sa gabi, ttambay makikipag inuman ganon. Bago siya umalis, kumkilos siya ng kusa. Na feeling ko pampalubag loob sakin. Ksi kapag nandito lang siya sa bahay, lahat kailangan sabihin pa sakanya. Wala siyang kusa ganon. Ngayon kung anu ano pumapasok sa isip ko. Na feeling ko hindi niya kami priority 😭 gabi gabi ako umiiyak. Lagi ko sinasabi saknya nrramdaman ko. Pero parang wala lang sakanya. Lalambingin niya ko pasimple na parang walang nangyare. Post partum depression ba tong pinagdadaanan ko mommies? 😭 Nahihirapan na ako. Gusto kong lumayo magliwaliw. Gusto kong magpahinga pero hindi naman pwede.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, may kasama or malapit ba sa inyo na makakausap o makakahingaan mo ng loob? Kung di mo siya makausap, isulat mo. Saka mo ibigay. Ask for specific things at kung ano ba ang expectations mo sa kanya. And every now and then dapat may strong support system ka, kamag anak mo or friends. Kasi baka nga signs of PPD na yan. Para maagapan.

Magbasa pa
4y ago

Family niya po kasama namin dto mommy. Everytime na aalis siya, chinachat ko siya. Sinasabi ko nararamdaman ko 😞 magsosorry lang siya. Wala naman daw siyang ginagawang masama ganon. Palagi ko po sinasabi sakanya limitations niya. Pero parang paulit ulit lang siya na parang binata kung umalis at umuwi ng hating gabi 😭 wala akong malapit na kamag anak o kaibigan dito para makausap ko manlang. Feeling ko nag iisa ako dito 😭 halos araw araw naglalabas ako ng sama ng loob ko. Pero parang hindi nababawasan. Ang hirap po pala ng ganito. Na minsan nawawalan na ko ng gana sa buhay. Lagi ko lang iniisip mga anak ko.