Sana mapansin nyo po.
Hello mommieees. Ask ko lang if big deal ba para sainyo yung sabihan ka ng "ANG PANGIT MO" - Gumaganda ka lang naman sa make up. - Sa picture ka lang maganda. Sinasabe po sakin yan ng mister ko ☺️ Naging emotional ako, kaya napaiyak ako nung sinabe nya sakin yun. 31weeks preggy, 1st baby. Ang sakit lang kase para sakin, na imbis sya yung nag papaalala sakin na ang ganda mo kahit buntis kana. Pero mas naririnig ko pa sa kanya yung ang pangit mo. Then nung tinalikuran ko sya, niyakap nya ako ng mahigpit. Kahit tinatanggal ko na kamay nya pilit parin syang yumayakap saken. Ewan ko, bigla lang akong tinamad na kausapin sya simula kagabe hanggang ngayon. Inaasikaso nya parin naman ako, pag kakausapin nya baby namin sa tummy ko hinahayaan ko, pero pag kikiss sya sakin umiiwas ako. OA ba ako mamies? 🥺🥺