19 weeks with UTI

hi momies..im 19 weeks pregnant, yesterday hindi nawawala sakit ng chan ko plus sakit s balakang and feeling na lalagnatin. Since parang continuous ang sakit, nagalala ako for baby so i decided to go to the hospital and since madaling araw pa sa ER na lng. They found out that I have UTI and prescribed an antibiotic. I was really hesitant to take an antibiotic baka kasi maka affect kay baby but the doctor said na safe nmn daw un. But still hndi muna ako bumili, i will go to my original OB first to ask if ok lng or if may other ways to cure UTI without taking any meds. Sno po ba dito nakaexperience ng same, what natural remedies did u do to cure UTI? Thanks!

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May uti din ako. May binigay sakin na gamot yung o.b ko nung 3 months palang tyan ko safe daw sya sa buntis. CEFUROXIME AXETIL 500mg ang nym nya. Pero diko kasi tinake nun kasi sobrang tapang diko kinaya naglilihi pa kasi ako nun. Pero ngayong tapos nako maglihi, parang gusto ko syang itake kasi nung uminom ako ng 1capsule nun nawala sakit ng puson ko tyaka sakit sa pagiihi di ko lang talaga kinaya yung tapang. Dapat kasi busog ka nun pag tinake mo yun. Sa ngayon kasi paulit ulit ako pinapaurinalysis taz nagtutubig lang ako. Ang alam ng o.b ko tinake ko yung gamot. Nasakit pa din kasi hanggang ngayon pero di na masyado. Minsan minsan lang sumasakit yung pagihi ko. Pero dahil sa ECQ di ako makapagurinalysis kaya di rin ak9 makabalik balik sa o.b ko.

Magbasa pa

bsta nireseta nmn ng doctor sis, rest assured na safe naman. pero para mas mapalagay loob mo consult n din with your ob tlaga. may mga antibiotics na for pregnant women tlga. nakakatakot tlga mag take ng medicines while pregnant. very common kc UTI sa buntis. kaya ingat sa kinakain and drink lots of water. Iwasan mga iced tea and ibang colored drinks and salty food. Malakas makapag pa UTI din mga processed foods kaya d tayo advised to eat those. Antibiotics number 1 nire recommend sa UTI sa buntis para maiwasan na maipasa kay baby ang infection.

Magbasa pa
VIP Member

Sa akin sis nag antibiotic talaga for a week kasi masyado mataas bacteria sa ihi ko pero after that bumaba naman na siya though meron pa din pero pina stop na sa akin ni OB ang pag take ng antibiotic. More on fluids nalang. And ngayon part na sa daily routine ko buko juice. Di naman magbibigay prescription doctor nyan kung kaya lng sa fluids pero pag hindi talaga they advice to take antibiotic.

Magbasa pa

Need mo i take yung antibiotic na prescribed po sayo. Hindi lahat ng nagkaka UTI may prescribed antibiotic. Depende yan sa wbc or pus cells count sa urinalysis mo po, pag sobrang taas na need na yan ng antibiotic. Pag tingin ng doctor na madadala pa sa water therapy, buko juice or cranberry juice mag aadvice naman yan. Tingin ko sa case mo malala na so better inumin mo na po. Nurse here

Magbasa pa

need mo po tlaga ng antibiotic kung gnyan n kalala UTI mo, ako since 1st tri ko my UTI ako pero once lang ako prescribed ng antibiotic, bumaba nman n kc ung infection. More water, buko juice and cranberry juice. May app din ako dinownoad to remind me to drink water.

VIP Member

Para kasing may nana na ung ihi mo sis kasi gnyang ganyan ako nung 2017 nag ka UTI dn ako, tinitiis ko muna rpos hanggang dina ako mkalakad dhl sobrang skit n ng balakang ko na parang nag cchill nko kaya ngpunta kmi ospital noon kht 12 midnight n ng gbi

34weeks nako and I found out na may UTI ako last wednesday nagpacheck up ako. Niresetahan din ako ng antibiotic sabi ni OB safe naman daw yun itataya daw niya lisensya niya as long as wala akong allergy sa gamot. 😅 Tinetake ko siya 2x a day.

TapFluencer

u ned to follow kung ano sinabi ng doctor hnd nmn cla mg reresita ng meds for u kung makaka sama ito sa baby.may mga meds nmn na pwd sa buntis at sila lng may alam and for the safety den sa baby mo na nasa loob

Hindi ka naman po reresetahan kung hindi safe para kay baby mo, mommy. Better na bumili ka na ng gamot mo for UTI kasi mas mahirap pag lumala pa. Isa pa, sign talaga na may infection pag lalagnatin ka na rin.

VIP Member

Sis as per my OB, wag kang matakot sa anti biotic, matakot ka kung yung baby mo na yung magka infection. Trust your OB, may mga safe anti biotics for pregnant. Zoltax yung brand na iniinom ko dati and baby is safe.

5y ago

One more thing, drinking buko juice and cranberry will just help to remove bacteria pero di niya matatanggal lahat, don't wait na lumala pa yan dahil lang natin binibigyan ng trust ang mga OB.