Fetal Doppler

Hello momies, I wanna ask lng po sa mga nakagamit na ng fetal Doppler, bumili po Kase Ako since medjo paranoid Ako sa pregnancy ko, I'm currently 13weeks pregnant, I had a daughter out of 3 pregnancy, pang 4th pregnancy ko na to and I'm taking insulin at the moment kaya medjo paranoid Ako, kaso hirap po akong hanapin ung heart beat ni baby, any tips po or normal pp ba un sa 13weeks pregnant. Thank you

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Di nirecommend ng ob ko mag doppler kasi mas nakaka cause daw ng panic. Pero syempre bumili pa din ako haha! Pero mahirap talaga hanapin lalo pag medyo makapal fats mo sa tummy area. At 13wks din mahirap pa talaga mahanap. May 1 time pa nga si ob mismo di nya mahanap sa doppler e. Buti may utz sya sa clinic kaya dun nalang nya chineck. Sobrang nakakatakot haha. Pero sa experience ko, pag nag umpisa na maramdam movement ni baby, hindi mo na din talaga magagamit yan. Ginagawa ko non pag napaparanoid ako, pinopoke ko lang tyan ko, ayun gagalaw naman si baby.

Magbasa pa

Kaya hindi rin advisable ang doppler kapag hindi maalam gamitin kasi mai stress ka lang pag di mo nahanap hb ng baby e. Minsan kahit mga midwifes and ob hirap pa rin lalo na nakatago si baby. Sa case mo din kasi maliit pa yung fetus para marinig sa doppler. Siguro 18 weeks mas okay na gamitin. Lastly wag na po masyado maparanoid and magpaka stress . if you feel something is wrong, pacheck up na ulit.

Magbasa pa

yes super hirap pa hanapin niyang ganyang age. if super paranoid ka mas maganda wag ka na gumamit ng doppler kasi lalo ka lang mapaparanoid if di mo makita heartbeat niya. and hindi porket may narinig tayong tunog sa doppler heartbeat na yon. may 3 sounds na madidinig dapat marunong ka ng pagkakaiba iba nila. mother's heartbeat, baby's heartbeat and placental heartbeat..

Magbasa pa

baka it's too early pa mommy. ganyan din ako.. sabi ni OB, msyado pa maaga for doppler. kasi nung ultrasound naman namin ang lakas ng heartbeat ni baby. nag fetal doppler din ako kasi ung first pregnancy ko na miscarriage kasi walang heartbeat. kaya sa second pregnancy ko, gusto ko nachecheck ko ung heartbeat ni baby.

Magbasa pa

ask mo OB mo san side nag implant yung fetus kasi yung sakin, first check up ko pa lang, sinabi na agad na sa right side siya. nung pagdating ng 16 weeks, sa right side ng pelvic area ko banda narinig yung heartbeat niya.

maaga pa po..may doppler din ako 16 weeks ko cia narinig..heartbeat..same sa comment sa iba..dapat paturo k sa OB ..malaman ung heart beat ng placenta,baby at sau..need ko din meron ako gdm plus high risk pregnancy din ako..

12mo ago

Hi gdm ka din po ako din po pero kinakaya ang diet ng doctor ko sa endocrinology para maging ok at d mainsulin 12 weeks palang po ako 😊

TapFluencer

bumili rin ako before ng doppler kaso di ko natutunan gamitin ng tama. kaya tinigil ko rin kasi mas nakakapraning kapag hindi mahanap ang heartbeat ni baby. ayun, 1yo na baby ko ngayon 😅

TapFluencer

Sa YouTube po maraming tutorial on how to use it properly at para malaman kung saan ang heartbeat ni baby at 13 weeks

mommies normal po ba na walang madetect na heartbeat.kakatapos lang ng transV ko knna..7weeks at 1 day si babay😥

11 weeks po ako now hindi pa po rinig sa fetal doppler, pero nung nagpa tVS ako active baby ko super likot sa loob