...haysst nakakapraning😭😭😭😭😭😭😭😭😭

Minsan mga mommies nag woworied ako kung okay lang ba bby ko minsan naiisip ko wala na syang heart beat sa loob yung ganun? Nung 8weeks ako nagpa transV ako 156bpm HB nya kaso first time mom ako nag aalala ako kung okay lang ba sya sa tummy ko now im 12weeks pregnant, napapraning ako 😭 na baka stillbirth ang bby ko baka wala syang heart beat ganun iniisip ko pero sana naman okay lang sya may katulad ko ba jan na alalalang alala? Matagal ko ng gustong magka bby ngayong meron na nag aalala naman ako😔 next month pako pupunta sa ob ko mag papa ultrasound nadin ako sana naman healthy sya nakakapraning lang kasi minsan pagod pako maglaba tas sumasakay sakay din ako sa motor ng hubby ko haysst😭

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lahat naman po ng nagbubuntis may pag-aalala lalo na tayong mga 1st time mom. Sa case ko po nagka-light bleeding ako nang mga 3 weeks, diarrhea for almost 2 weeks, at lumala ang UTI. Nakakapag-alala pero para po kumalma ako, tinatanong ko po lagi ang OB ko pag may nararamdaman akong kakaiba nang ma-guide nya ko sa dapat gawin at pinagdarasal ko rin lagi si baby at ang health naming dalawa. Hinintay din po namin si baby at kinailangan pa ni hubby i-address ang concern nya sa sperm kaya laking tuwa namin nung nandito na sya. Kasama na rin po siguro ang pag-aalala sa pagbubuntis pero ginagamit ko yung pag-aalala ko para makahingi ng tulong at matuto kung paano ko maaalagaan nang tama ang anak namin.

Magbasa pa
4y ago

Ako din be di ako naglilihi hehehe normal lang tlaagaa may hika din ako

Related Articles