nakakasama ng loob

Minsan imbis na pagaanin ng mga member dito yung loob mo sila pa yung mga negative magsalita. Hindi ko alam bakit my mga tao na kala mo perpekto. Explain ko. Nagpost ako yesterday about cs section sa st.lukes at bakit inabot ako ng 270k plus. Na ang sabi ng ob ko eh 128k lang. So kami ng husband ko prepare hanggang 180k. Pero gulat kmi na ganon ang inabot. Ngayon shinare ko dito na my balance kmi na 100k before kmi mag discharge and now is almost 50 nlng dahil 3weeks nmn nmn na po akonv nanganak at nahuhulugan naman po. Ang kinasasama ng loob ko eh yung mga nagko comment ng negative " na kung ako my utang na 100k eh baka di ko na nilabas ang anak ko. " na " kung wala kang pera eh dapat di kn nanganak sa st.lukes. " Hindi nmn biro ung halaga ng 180k na naibayad ko at ang nahulog ko na 50k. Ang hinhingi ko pong advice is kung makatarungan po ba na umabot kmi sa ganon halaga para sa csection ko na wala nmn kmi problema ni baby. Alam ko my nakakaintindi sakin dito. Salamat sa mag aadvice. Kung manghuhusga ka lang din wag kana magreply

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kapag nagpost ka asahan mo na may basher. Hindi mawawala yan. Artista nga nababash, tayo pa kaya. Hindi naman natin mapi-please lahat ng member dito. Ano ang dapat gawin? Huwag mo na lang pansinin kung ano man ang sinabi nila na hindi mo nagustuhan. Mahirap gawin pero yun ang dapat. Minsan na rin ako na-bash o napagsalitaan ng hindi maganda. Nasaktan. Pero sa huli tinanggap ko na lang at nag-move on. Kung magpapaapekto ka. Ikaw ang matatalo. Sabi nga nila "PIKON, TALO".

Magbasa pa
6y ago

Ganun po talaga. Katulad nga ng sinabi ko kapag nagpaapekto ka ikaw ang matatalo. Tingnan mo nangyari sayo ngayon? Kagabi mo pa post yun di ba? Gabi na ulit ngayon. Medyo matagal mo ng post pero hanggang ngayon dala-dala mo pa rin ang inis diyan sa puso mo. Sino ang mabigat ang damdamin at isip? Ikaw di ba? Isipin mo sila ang sarap ng tulog hindi ka nila iniisip pero ikaw isip ka ng isip sa kanila.