team april ??

Mika Allyson Edd: April 13, 2020 Dob: April 04,2020 2.9kgs via normal delivery Cord coil Share ko lang April 04 balik namin sa lying in para sa weekly checkup sa midwife na nag handle saakin, bago pa ung mga araw na yun nakaranas na ako nang pagtigas ng tyan at pag contract habang natutulog ako at napapagising ako nag squats ako gumamit ako ng exercise ball tapos inom ng pineapple juice take ng primrose at insert neto sa gabi bago magpacheckup. Pagka IE saakin sakin ng midwife sabi 2-3CM na ako so may ininject sakin tapos uminit buong katawan ko nmula ako tapos inaantok, sabi nya around 7 or 8pm bumabalik na daw ako at manganganak na. So natulog muna ako pag gsing ko umupo ako sa exercise ball tapos squat tapos ikot ikot sa kwarto ayun na nga nagccontract na pero kaya pa. Hanggang 6pm sumasakit na pwerta ko edi agad nako naligo nagpabantay ako kay hubby baka mag contract madulas ako. Hehe pagdating sa lying in around 8pm IE ulit ako 6-7cm na may ininject at dinextrose na ako wala man isang oras dinala nako sa DR hanggang kusa na umiire tyan ko sobrang sakit promise ininduce labor pala ako haha pero okay lang dahil halos 4 na oras na labor lang ako. Ayan na nga kakaire pumutok na panubigan ko tapos hiniwa na si puday ganun pala ang feeling nang nanganganak tatawagin mo lahat ng santo haha. Pagkalabas ayun mapapathankyou lord ka.. Ayan na nga po ang baby namin na simula first trimester puro spotting ako nag preterm nung second tri at third tri uti at yeast infection naman.. Sulit na sulit lahat ng pagod at sakit.. ?

team april ??
100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats sis! Yung baby ko 2 beses pa nakapulupot sa leeg nya ung cord nya. Buti na lang at magaling ung staff ng San Juan District Hospital kaya ayon Normal ko nailabas si Baby.

5y ago

Alam nmin na normal lang sis kasi 36 weeks umalis nako sa ob ko tapos lumipat nko sa midwife dito puro Doppler lang gamit wala ng ultrasound nagulat sya nakapalupot ung cord nya s leeg buti nlang okay sya ilang beses din ako umiri hehe thanks sis godbless 😊

Congrats po!😍💕 Buti dka nhirapan sa cord coil? Ako kase due ko sa 22 and may single cord coil si baby. Kaya nagwoworry ako. Sana mainormal ko din siya😌

Ang cute at ang puti ng anak mo... Yung anak ko di ko alam bakit hindi nakuha kulay namin ng tatay nya, parehas kami maputi may lahi pa ☹️

5y ago

Nako nagulat nga po ako dahil di naman ako kaputian pati si hubby sabi ng midwife sa mga kinakain ko daw at vitamins kaya gnyan si baby 😊

Halaaaa, cuteee ♥️ ung damit ng baby mo masikip sa baby ko. Haha 4.4 kls and 8 pounds sya e. 😂 Normal delivery din. Haha

Congrats..gandang baby naman 😍 sana ako rin d ako mahirapan sa paglalabor.. kabwanan ko narin ^_^ excited here.

VIP Member

Thank you all momsh hehe diko na kayo ma isa isa 😊😍 sa mga team april makakaraos din kayo godbless po! 😊

congrats, EDD ko april 14. pero naninigas na ang tyan ko at masakit narin balakang ko. first baby mo po ba sya momsh?

5y ago

naglaba ako kaninang morning mumsh kase gusto ko na rin manganak katakot kase kapag lumampas pa ng duedate si baby eh. btw, congrats mumsh. ang cute ng baby mo chinita 🥰

Congratulations po! Same po tayo ng edd pru until now wla pa po aq signs ng labor. Malapit na due date q

VIP Member

cute cute naman ni baby!congrats mamsh!balitaan mu lahat ng satong natawag mu🤣🤣🤣

Hello po. Ask ko lang po ano po ginawa nyo during your 1st tri po ba nag spotting po?

5y ago

Then good cardiac activity nman po si baby 9wks 4 days po nun as tvs. But now 10wks 4days napo sya.