Mukha pong milk bleb, caused by shallow or improper latch. Parang milk pore po sya na na-block ng milk, masakit at mahapdi po. First, to address the cause at para maiwasan, make sure po na naka deep latch si baby (https://youtu.be/WVEABNhXr1A?si=Y1f8voRdjOHSp51D)
As for treatment, tiis na lang po muna pero kailangan na patuloy ipalatch kay baby para mawala. Ito po effective treatment sakin "Saline solution. To remove the blockage, soak the nipples in a solution of salt and warm water." https://www.medicalnewstoday.com/articles/321714#best-remedies
Nilalagay ko yung solution sa mug, then saka ko isasalpak sa nipple ko for about 3-5 mins, multiple times a day. Mas effective kapag gagawin ko ito before maglatch si baby (just make sure to wash your nipple after para di malasahan ni baby yung maalat). Then icheck mo sa breast mo kung may matitigas na part or mga clogged ducts, imassage mo while baby is feeding para marelease yung bara.
Magbasa pa
Mummy of 2 rambunctious son