1 year and 6 month si baby nung masundan

Mi ok lng ba etong age ng baby ko para masundan? 1 year and 6 months sya ngayon tas nag pt ako kanina malinaw 2 lines.

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ok lang yan momsh as long as kaya financially. Physically, mentally and emotionally kakayanin mo din dapat. Mahirap magalaga ng newborn kapag may clingy toddler, at mas lalo pa sila need matutukan kasi sobrang curious sila sa mga bagay bagay. Sana mahelp ka ng partner mo or someone na pwede rin magasikaso sa first born mo. Pero sure naman tayo lahat dito kaya niyo po yan. Wala tayong hindi kaya mga momsh!❤ Have a healthy pregnancy. 💞

Magbasa pa

Okay lang po as long as kaya niyo namang buhayin. Ako kase,7 years age gap ng anak ko,sa kadahilanang,mas gusto ko pang enjoyin ang panganay ko, although kaya naman naming buhayin, mahirap parin po kase ang buhay,mas maganda po talaga kapag mas malayo,pero kung anjan na po si baby, tanggapin niyo nalang po at i make sure na kaya syang bigyan ng magandang kinabukasan.

Magbasa pa

same tayo mi, 4yrs old panganay ko, 1yr&6mos. ung bunso ko ngayon at 23 weeks preggy ako now. pero hindi ako nagsisisi at masaya ako sa pagbubuntis ko ngayon🩷 btw. mag 22 palang po ako pero kinaya ko sila alagaan at kakayanin parin hanggang sa pang 3rd🫶💪

depends on upur body and family po. as long as kaya ng katawan mo at ninyo magasawa magalaga ng 2 bata, why not. lahat naman mahirap sa umpisa pero makakayanan yan basta strong body and mind. Congrats and Godbless on your growing fam.

Magbasa pa

ok lang po Yan blessing parin pero ang pinaka suggest po na gap ng doktor is 3yrs para daw po makapagpahinga ang ating katawan mula nung nanganak

blessings yan mhie na dapat tanggapin.. yes po di po masama sa ganyang gap mhie .. basta alam mo lang ang tamang pag aalaga both at kaya naten

Preggy din ako at yung sinundan is mag 2yo sa March. Di pa ko ready talaga kaya sobrang emotional ko ngayong 1st trimester ko 🥹

3mo ago

pray lng mi mlalampasan mo yan

ako 9th months nasundan tapos cs sa 1st baby kaya kabado ako sa 2nd baby😅 may mga cs mom ba dito na nabuntis less than 1yr?

okay lang yan mi..preggy din ako now buti mag 3 years old na toddler..pero sa totoo dipa tlga ako ready pero andito na to

VIP Member

Oo naman mii lalo na kung normal delivery okay lang ang gap. Ako nga 1 year gap mga anak ko. Mahirap pero kelangan