SEPTEMBER 2022

Hi mga soon to be momsh. Sino po dito naka due ng September 2022. Kamusta po mga nararamdaman nyo? Praying na maging maayos ang ating pregnancy journey. #1stimemom #firstbaby

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Exactly 10 weeks today! Sept 23 po EDD ko, first time mom. 5 weeks na nung nalaman na buntis ako dahil lang sa delayed. Pero una and pangalawang PT ko, 1 line lang e. After a week ng prayer and fasting namin sa church, ayun! 2 lines na 🥰 Pinagpray talaga namin si Baby! Kaso same din po sa iba dito na nagkatrangkaso kami mag asawa nung 4 weeks ako. Kaya dami ininom na gamot. So far, okay naman result ng TVS kaya kampante kami and tuloy lang sa folic. Wala rin akong symtoms like suka or nausea. Di rin naman pihikan sa pagkain and kung ano lang maisip ko kainin yun lang. Wala akong pinaglilihian I guess? Hehe. Pero madali nang mapagod and hingalin, antukin and hirap pumusisyon ng tulog. Last Tuesday, nakaramdam ako ng hilab na tumagal ng 1 min. Sobrang sakit sa likod na parang napopoops. Sugod kami agad kay OB, sabi naman sa IE okay naman and no bleeding pero niresetahan ako ng pampakapit na pinapasok sa pwerta, Gestron po yung name. Tapos 1 week bedrest. NagkaUTI din ako nung 9 weeks kaya may meds din ako para dun. (Comment section for continuation)

Magbasa pa
4y ago

Then Wednesday naman nung 1st day ng bedrest ko, inatake naman ako ng acid reflux. 3am-6am na sobrang sakit ng sikmura ko and suka ng suka. Sobrang naiiyak ako kasi nagwoworry ako kay baby plus di ko kinakaya yung sakit. Nagkremil S kami nun kaso di agad umepekto. Buti na lang din pwede yung Kremil S sabi ni OB. Kasi nagself medicate lang kami, konting research si hubby kasi di na talaga niya alam gagawin. Ayun! Grabe ang roller coaster ride! Whew! Pero praying na maging okay si baby 😇 Sino po pala tumaas ang libido sa inyo? Nahihirapan po ako sa part na to. Bigla na lang this week araw araw kong nararamdaman na gusto ko makipageme sa aking hubby huhu kaso di pwede kasi nga nakabedrest ako and hindi pa pwede sa 1st trimester sabi ni OB. Paano ba gagawin ko nito? Haha 🥲😅