SEPTEMBER 2022

Hi mga soon to be momsh. Sino po dito naka due ng September 2022. Kamusta po mga nararamdaman nyo? Praying na maging maayos ang ating pregnancy journey. #1stimemom #firstbaby

48 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

September 15, EDD ko mommy! 🥰 Medyo ok naman, pawala na yung morning sickness ko. 11 weeks and 1day palang po ako now. May subchorionic hemorrhage sa tabi bi baby, kaya praying na maging ok lahat bago matapos ang first trimester. Praying din na lahat ng mommy maging healthy and safe ang delivery 💗🙌

Magbasa pa

Mga mommies September din ung EDD ko tanung ko lng mga mhie pintig2 lng kc nararamdaman ko ok lng kaya ung baby pag ganun di pa kac ako nakkapagpacheck up my nababasa kc ako 4 months palang tiyan nila magalaw na ung baby sa tiyan nila ng aalala po kc ako 5 months napo ako

Sept 24 EDD 🙋‍♀️ malikot si baby pag nagugutom ako 😅 cute na twitches lang na nakakagulat hehe 17 weeks, wala ng morning sickness pero may mga ayaw parin akong food. kaya iniiwasan nalang para di masuka. laging may heartburn lalo na pag nabubusog 😁

11 weeks 4 days today mamsh! Sep 13 ang due ko, ikaw? Ako simula 5th week ko wala akong ibang ginawa kundi sumuka ng sumuka. Kahit tubig sinusuka ko. Sana maging better na sa mga susunod na araw. Nakakapanghina. Pero fight lng para kay bb :)

Sept 5. 12 weeks 5 days. Nagkaron din Ng subchorionic bleeding nung 7th weeks ko. 1 week din ako pinatake Ng pampakapit. Tvs ko ulit today hopefully maging ok na. keep on praying Tayo mga momshy.

as of now naman po ako Hindi po nahirapan wala pong morning sickness wala Rin pong paglilihi , ayon medyo navucurios Lang po Kami Ng partner ko Kasi anliit po Ng baby bump ko. 16weeks 5 days as of now

3y ago

Same 19weeks and 1 day, sept 13 edd ko. 2nd baby na, and now sobrang liit ng tummy ko kumpare nung first pregnancy ko may bump na, ngayun parang tiyan lang.

September 26 ang EDD ko, 17 weeks and 2 days na hehehe bedrest ako now at nag te take ng pampakapit also FTM, ayaw ko parin sa amoy ng ginisang bawang at bagong lutong kanin 🥴

At normal lang po ba na wala akong nararanasang morning sickness, like pagduduwal or pag susuka. Bale ang nararanasan ko lang po is, palaging antukin palaging naiihi, yun lang po.

3y ago

same tayo mami. never nagmorning sickness. antukin lang talaga and ang lakas ko sa tubig ngayong preggy ako. ngayon ko narealize na mas masarap pala ang tubig kaysa sa softdrinks 😁

EDD: Sept 7 po. 12w4d ❤️ Now lang ulit nakakain at nakainom nang maayos mommy. grabe ang first tri, sukang suka at hinang hina ako. How are you too? ☺️

VIP Member

Sep 13 🙋‍♀️🤰Mas ok na kesa nung pang 6th week. Hindi na masyadong hilo, nasusuka. Pero super sensitive padin ng pang amoy.