SEPTEMBER 2022

Hi mga soon to be momsh. Sino po dito naka due ng September 2022. Kamusta po mga nararamdaman nyo? Praying na maging maayos ang ating pregnancy journey. #1stimemom #firstbaby

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

10 weeks and 2 days ako today momsh. Nagkaroon ako ng subchorionic bleeding nung 8th week ko kaya bedrest ako for 2 weeks. Di pa ulit ako nakakabalik for ultrasound but hopefully maging ok na. Laban lang for baby. Due date ko is on Sept 21, 2022. Nararanasan ko din for a month na yung parang mabigat ang tyan, medyo masakit sya kase parang puputok na balloon yung pakiramdam. Ang hirap maghanap ng kumportableng position pagmamatulog. Malalagpasan din natin to.

Magbasa pa
4y ago

Sakin sobrang smooth naman so far wala kong morning sickness, nausea or pagsusuka kaya di ako nag-isip na buntis ako, missed period lang kaya nag-PT ako. Then, pagkacheck up ko 7weeks and 6 days na pala si baby sa tummy ko and may heartbeat na rin sya. Sobrang kabado ako nun mga mamsh kasi bago ko malaman na buntis ako nagkatrangkaso ako at uminom ng mga gamot tapos may na-take ako na bawal pala (Decolgen) kaya sabi wag ko kakaligtaan inumin yung folic acid ko para sa development ng baby. Thankfully din that day nung TVS walang nakitang bleeding sakin. Ayun nga mamsh, currently 11 weeks and 5days ako today may mga nararamdaman na sakit sa puson pero tolerable naman at saglit lang, may nababasa ako na normal daw kasi nageexpand ang uterus, pero tatanong ko pa din sa ob ko pagbalik ko this Saturday para sa monthly check-up ko. Stay safe satin mga sis, enjoy lang natin ang journey and iwas stress ❤️