Hindi pa alam ng parents nya na buntis ako.

Hello mga sis. Share ko lang po about samen ng partner ko. 25years old ako , 26years old sya. Youngest po sya sa anim na magkakapatid. Senior citizen na po mga parents nila. Mababait nman po yung parents nya , saka yung mga ate nya at kuya sa akin. Di po pala nila alam na nagsasama na kami (live-in). 10months na po kaming nagsasama , buntis po ako mag 6months na next month. Yung main problem ko po is di pa din alam ng parents nya na buntis ako at nagsasama kami. Sa side ko alam na ng lahat. Ngayon po sa tuwing naiisip ko na kailan kaya nya sasabihin , or hanggang kailan nya itatago sa magulang nya yung tungkol sa sitwasyon namin , na iistress po talaga ako at nasasaktan. Pag tinatanong ko sya laging sagot nya "humahanap lang ng tamang tyempo" . Na warningan kasi sya dati ng kuya nya na wag muna mag lilive in baka daw mkabuntis. Hindi rin cla close ng kuya nya , kaya cguro ayaw nya mapahiya. Malaki expectation nila sa knya kaya din siguro di pa nya masabi sabi. Saken lang nman po naiintindihan ko sya , pero hanggang kailan ? malapit nakong manganak , hindi nman pwedeng habang buhay nya kaming itago. Ang sakit lang isipin na hindi man lang ako mkapagpost sa fb about my pregnancy dahil nga friends kami ng mama at ate nya sa fb. Di ko man lang ma share yung happiness ko sa tuwing gumagalaw baby ko , at lalo na mga cravings ko na gusto ko lang sana e share sa friends ko. Yung tipong nagtatago ? Sobrang hirap po. Paano ko po ba makokombinsi yung partner ko , sa mabuting paraan ng pakikipag usap sa kanya ?? Naaawa ako sa baby ko , di kami kayang ipagmalaki ng ama nya. Mas iniisip pa nya ang mararamdaman ng pamilya nya pag nalaman nila kesa sa nararamdaman ko ngayon ? Okay nman po kami ng partner ko , wala pong problema sa kanya. Yun lang po tlaga ?? di nya masabi. Need advice po , pangpagaan lang ng loob ko ???

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wala naman pong lihim na di nabbunyag sis. ang mahalaga anjan ang support ni LIP mo sayo. once anjan na si baby, wala naman sila choice kundi tanggapin. tsaka nasa tamang edad naman na kayo . let time do its work. dadating din kayo jan .

5y ago

salamat sa advice sis..