dapat na bang sukuan

hi mga sis.magtatanong lang ako kung ano yung thinking nyo about sa pagsasama ng matagal pero hindi pa din kasal.more than 10years na kami to be exact 14years at magtatatlo ng anak pero hindi pa din kasal.sakin wala namang problema kung kahit huwes o mayor.may handa o wala.sinubukan ko kung magkukusa sya kasi kumuha na kami ng requirements pero after nun wala na syang next step na ginawa.sa kanilang magkakapatid na may asawa kami na lang yung di pa kasal.pakiramdam ko na hindi ako yung gusto nyang makasama kasi sa tagal ng panahon never nyang na open yung tungkol dun.parang wala pa sa isip nya yung ganun.iniisip ko lang din kasi yung mga bata ay lumalaki na din.pakiramdam ko ayaw nyang matali.iniisip ko tuloy na baka hindi talaga sya yung para sakin.kahit naman sino satin gusto ng may karapatan.kaysa kasi tumagal pa yung pagsasama ng walang assurance naiisip ko na lang din na makipaghiwalay.hindi lang naman dahil sa kasal sis.madami na ding issues gaya ng parang buhay binata lang sya.yung pagkain namin sila mother ko nag iintindi.mag aalmusal at magtatanghalian tapos aalis.gabi,hating gabi o madaling araw na uuwi tapos naka inom o lasing pa.sa halos isang taon ganyan yung scenario namin.wala syang work dahil inasahan nya yung apply nya abroad.manganganak na ko next month pero parang wala lang sa kanya.naubos yung pera namin dahil sa pansarili nya.ngayon at manganganak ako wala kaming panggagastos.napapagod na din kasi ako. #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa sinasabi mo po eh andun na po ang sagot. Nagpapahiwatig na walang plano or future yung kinakasama nyo po. Hindi sya responsible and matured enough to man up to his responsibilities. At kung ganyan lang naman po, sakit lang at perwisyo ang aabotin nyo kaya para sakin po is nakakabuti na makipaghiwalay na po kayo dahil nakakasama po sya sainyo at wala syang paki. Yung totoong lalaking nagmamahal po is hindi po ganun. Yung totoong lalaking nagmamahal at lalakinh matured is iniisip nya po kapakanan nyo at ang baby mo at ang future nyo together. Kung ganun man pinapakita nya, wag na po kayo mag dalawang isip.

Magbasa pa
2y ago

Bakit daw po ayaw nya? In-open nyo po ba yung concern nyo tungkol sa pagpapakasal at pagiging irresponsible nya nung nakipaghiwalay po kayo? Sorry po sa word ha kasi sa kwento nyo, parasite na po sya sa bahay nyo.