I NEED ADVICE PLEASE.

Hello mga sis, Share ko lang po kase gulong gulo nako. Hindi ko na alam. So 2 years na kami ng bf ko, Last year lang kami nagsama. May history nadin siya ng cheat nung mag bf/gf palang kami nung panahong wala pa kaming baby. Hindi lang isang beses kundi marami. F*ckboy siya dati, Kung sino sino inaano nya lalo na kapag inuman at may kasamang babae. Kahit one night stand go sa kanya. Yun yung mga panahon na single pa siya at wala pako sa buhay nya, Nagbago ang lahat nung nagsama kami. Although may awayan na nagaganap, Tampuhan, Selosan pero hindi parin nawawala yung pakikipagsama nya sa mga tropa nya lalo na kapag inuman. One time nagyaya yung kaibigan nya over night swimming, Dapat isasama nyako pero natutulog ako nung time ba yun. Mga 10pm then nagalit siya kase minsan nlng daw yun, Then naligo siya humingi siya ng 100 sabe bibili lang daw siya ng makakakain almost 2 hours na wala padin siya then nalaman ko nandun sa tropa dumiretso sa swimming. Mga 12 pm nag online siya nakigamit siya sa cp ng tropa nya alam ko kase tinadtad ko siya ng chat nun. Then pinuntahan ko siya, May mga babae at lalaki na nandun. Syempre ako galit na galit, sabe nya " wag kang gagawa ng eskandalo dito " eskandalosa kasi akong babae. War freak kumbaga, Eh kaya lang naman po ako pumunta dun para pauwiin na siya kase anong oras na din po nun mag uumaga na. Pinipilit ko siyang umuwi ayaw nya hanggang dumating sa point na " pag di ka tumigil malilintikan ka sakin " then ayun hinampas nyako ng tsinelas. Tas ako hindi ko na napigilan yung galit ko. Pinahiya ko siya, Then hindi na siya nakapag pigil hinampas nya ako ulit sa harapan ng mga tropa nya, Kinalmot ko siya then eto na nga nag aawatan mga tropa nya kase nagbubugbugan na kami. Ayaw nya magpatigil sinuntok nyako sa mukha natumba ako, Madulas pa nmn yun. Di ako umiyak kahit naiiyak nako, Ilang beses nyakong sinuntok nun. Lumabas kami dun kami nag away, Sabi nya " Umuwi na tayo! Bugbog ka sa bahay mamaya pagdating natin tanginamo ka ah " then yun ayoko umuwi hinihila nyako sumakay sa tricycle. Ayoko, Then ayun na nga sinuntok nya ulit ako sa Mukha tumalsik na naman ako, yun yung super sakit na suntok na nagawa nya sakin. Hanggang ngayon di ko padin nakakalimutan yun. Hindi ko din sinasabe kela mama yun, pero natrauma ako don. Lumipas ang ilang oras na puro away kami dun sa swimming ng tropa nya, Then sabe ng tropa nya " suyuin mo na kase pre babae yan eh dapat di mo sinasaktan " and then ayun pumunta kami sa isang sulok. Hanggang nagsorry siya, Na ichachat naman nyako para papuntahin dun bakit inaway ko pa siya. Almost 2 hours nyako pinagantay bakit 12 pm pa siya magchachat? And hindi nmn nya talagako chinat nun kase gamit ko fb nya nun nung time na yun tinitignan ko kung online siya baka kase nasa comshop lang. Then ang unang chinat nya is yung tropa nya " Pre bakit wala ka dito? " yun ang chinat nyang una kesa sakin. Dahil martir ako at mahal na mahal ko siya pinatawad ko, Dumaan ang mga ilang araw nagbago siya. Nambubugbog na siya, Nagdadabog kapag nagagalit. Dumating sa time na sinisira na nya mga gamit na binili ko sa kanya " Sisirain ko talaga to tangina mo para hiwalayan monako " yun lagi sinasabe nya. Ilang months ganon yung sitwasyon namin, AWAYAN, BUGBUGAN,BATUHAN,HIWALAYAN then ending ganon padin. Then etong mga july this year 2019 nalaman kong pregnant ako, Sabe ko ipalaglag natin dahil ayoko pa hindi pako handa sabe nya " WAG " ipaalam ko nalang daw kay mama na buntis ako kung di ako tanggapin okay lang daw kase kaya naman namin mabuhay magisa. Then tinanong ko ulit siya sabe ko " Ipalaglag nalang natin kaya? Sa tingin mo? " then sabe nya " Ikaw bahala! " pero hindi ko pinalaglag, Then dun siya onti onti nagbabago. Hindi na nyako nasasaktan physical, lagi nalang siya sa computer nya busy. May sarili kaming mundo, Ako sa cellphone siya naman sa computer. Wala kaming bonding sa isa't isa. Hindi nadin siya nasama sa mga inuman basta lagi nalang siya sa computer nya. Hindi nmn siya natulong sa gawaing bahay kahit buntis nako, Dati kase ako sa hugasan, Linis ng bahay, Paglalaba siya kakain lang at hihiga. Until now ganon parin, Kapag nagugutom ako wala siyang ginagawang paraan busy siya sa nilalaro nya. Hahayaan nyang mamatay ako sa gutom kase busog naman siya. Ngayon nalaman ko na may Second account siya, Ginagamit nya daw yun sa laro nya kapag nakikipag transact/palitan yun ang sabe nya hindi ko alam kase wala naman akong pake sa nilalaro nya. Yung main account nya alam ko pero minsan nalang siya mag open, And magkasama naman kami kaya komportable ak o. Mga sis hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung dapat kobang alamin yung dummy account nya na yun or wag na.. Ngayon ko lang po kase nalaman yung tungkol sa dummy account nya dahil nanghihingi siya ng mga fb ko na mga olds na mga jejemon days. Sabe ko " anong gagawin mo para san ba? " ilang araw nya na kase akong kinukulit dyan. Then sabe nya ipang tatrade nya daw sa points na nilalaro nya so bale 1 fb = 300 points. Then binuksan ko fb nya yung main account then wala naman ako nakita na kausap nya na tungkol sa laro nya or dun sa fb na magpapalitan tas sabe ko " Wala ka naman ka chat ah? " then di siya umimik. Ngayon po ay kinakabahan ako, Hindi ko na ngapo alam kung tama papo yung ginagawa ko kasama siya... Alam nadin po nila mama na buntis ako, And ang gusto po nila ay kausapin ang bf ko. Pero ayaw ng bf ko makipag usap sa kanila dahil may bad background po kami dati sa family ko nung mga panahon na ayaw ng mama ko sa kanya at nakuha pa ni mama na ipabrgy siya para hindi na kami magkita. Pero ngayon tanggap na siya, pero siya di kopo alam kung nahihiya kela mama..

86 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sana kasj di mo pinahiya. Lesson learned na dapat yan sayo na dapat binibigyan mo din siya ng time para sa sarili niya at matuto kang maglambing tandaan mo dalawa na kayo. Di na naman siya gumagala gaya noon. Try mo lang maging better sakanya tapos pag di pa din nag bago iwanan mo na. Tutal di naman maayos eh. Tsaka nagsasakitan kayo at walang respeto.

Magbasa pa

naku sis napakatoxic ng relationship nyo yung suntukin ka grabe na yun.ung sakin yan kahit gano ko pa kamahal ang guy hihiwalayan ko.shempre mas mahalin ko ang sarili ko.sa ngaun di ka nyan sasaktan kasi buntis ka.pano nmn kapag nanganak ka na?ang maisa suggest ko sayo ipaalam mo na lang sa pamilya mo ang situation mo at umuwi ka na lang sa inyo

Magbasa pa

edi hiwalayan mo... wag kang martir... hay nako, , di pa nman kayo matured na dalawa, pano na nyan baby nyo ? magagaya yan sa inyo... ang bata pa nman, kung ano nkikita, ganun din gagawin... tsaka para na rin sa katahimikan nyong dalawa at sa baby nyo na maplaki mo ng maayos, end the relationship... he's not worth it... πŸ™πŸ’”

Magbasa pa

Pag toxic iwanan mo na. Pero advice lang next time if kau pa rin or iba na mapangasawa mo wag na wag mo ipapahiya ang lalake in public lalo na if kasama tropa nya bigyan mo mg pride di tama ung ginawa nya pambubogbog sau pero magagalit talaga kahit sino lalake na mag iskandalo ka in public. If galit ka sa bahay mo bungangaan at awayin

Magbasa pa
5y ago

Nagalit po ako nun kase pinapauwi ko na po siya nung time na yun ayaw nya pong umuwi kaya nakapag eskandalo po ako nun then umabot nmn sa point na bigla nyakong hinampas ng tsinelas nya sabe nya " pag di ka tumigil malilintikan ka talaga sakin "

Gurl, una sa lahat kung gusto mo ng respeto matuto ka rumespeto...talagang jojombagin ka nyan dahil nag eskandalo ka...di matatama ng isang pag kakamali ang isa pang pagkakamali..alam mo maghiwalay na kayo..dahil seriously parehas kayong hindi wife/husband material..susmio..kawawa yang bata dahil parehas kayong isip bata..

Magbasa pa
5y ago

Hindi kopapo asawa yan nung time nayan mag syota palang po kami nyan live in lang. At wala papo kaming baby nung time na yan at pasensya? 2 hours ako naghintay sa kanya malaman laman ko nasa galaan? Sino poba matutuwa sa ganon? Sabe nya bibili siya ng makakain pumayag ako dahil nagugutom din ako then malaman laman ko nakikipag party

Girl, mag bf and gf pa lang kayo may bugbugan ng nagaganap. Napaka toxic ng relasyon nyo. Wala kayong respeto sa isat isa, cguro unahin mo muna mahalin ang sarili mo at ang magiging anak mo. Umalis ka na dyan, dun ka nanlangbsa parents mo. Maawa ka sa sarili mo, kung sken yan, nung minura plang ako hiniwalayan ko na yan.

Magbasa pa
VIP Member

is your relationship with him really healthy? masaya ka ba? secured ka ba? hanggang kelan ka magtitiis? ngayon ok pa kc buntis ka.pano kung manganak kna? kung masaya ka sa kanya at tanggap mo na din pagiging battered wife go.kc kahit sabihin ko naman bumalik kana lang sa parents mo di mo naman gagawin. Just be safe.

Magbasa pa

Nandyan naman parents mo sis, umuwi kana hindi ka mahihindian ng magulang mo. Wag mo pahirapan sarili mo marami pang lalaki dyan hindi lang yang lalaki na yan makakapag pasaya sayo isipin mo mas kailangan mo maging mas matatag para sa anak mo lalot buntis ka, wag mo din isipin na ipalaglag kasi kasalanan yan.

Magbasa pa
VIP Member

Kung ako nasa katayuan mo mas gugustuhin ko na lang sa poder ng magulang ko.Walang pag papahalaga sa inyo ang tatay ng baby mo,di sana pinag sisilbihan ka nya.Saka jusko naman sinaktan ka na nya.Maaaring ma ulit yun.Hindi pwedeng palagi puso ang paiiralin.Mahalin mo ang sarili mo kayo ni baby.

VIP Member

May mga lalake pla tlgang nag eexixt na dimunyo ng ugali noh. Anyway ate iwan mo na yan. Wag ka magtyaga kse habangbuhay kalbaryo mrrnasan mo pag gnyn ang nkatuluyan mo. Wag mo aksayahim ung arw at panahon ng buhah mo na sa gnyang klaseng lalaki klng mppunta. Your deserve everything.πŸ˜‡