I NEED ADVICE PLEASE.

Hello mga sis, Share ko lang po kase gulong gulo nako. Hindi ko na alam. So 2 years na kami ng bf ko, Last year lang kami nagsama. May history nadin siya ng cheat nung mag bf/gf palang kami nung panahong wala pa kaming baby. Hindi lang isang beses kundi marami. F*ckboy siya dati, Kung sino sino inaano nya lalo na kapag inuman at may kasamang babae. Kahit one night stand go sa kanya. Yun yung mga panahon na single pa siya at wala pako sa buhay nya, Nagbago ang lahat nung nagsama kami. Although may awayan na nagaganap, Tampuhan, Selosan pero hindi parin nawawala yung pakikipagsama nya sa mga tropa nya lalo na kapag inuman. One time nagyaya yung kaibigan nya over night swimming, Dapat isasama nyako pero natutulog ako nung time ba yun. Mga 10pm then nagalit siya kase minsan nlng daw yun, Then naligo siya humingi siya ng 100 sabe bibili lang daw siya ng makakakain almost 2 hours na wala padin siya then nalaman ko nandun sa tropa dumiretso sa swimming. Mga 12 pm nag online siya nakigamit siya sa cp ng tropa nya alam ko kase tinadtad ko siya ng chat nun. Then pinuntahan ko siya, May mga babae at lalaki na nandun. Syempre ako galit na galit, sabe nya " wag kang gagawa ng eskandalo dito " eskandalosa kasi akong babae. War freak kumbaga, Eh kaya lang naman po ako pumunta dun para pauwiin na siya kase anong oras na din po nun mag uumaga na. Pinipilit ko siyang umuwi ayaw nya hanggang dumating sa point na " pag di ka tumigil malilintikan ka sakin " then ayun hinampas nyako ng tsinelas. Tas ako hindi ko na napigilan yung galit ko. Pinahiya ko siya, Then hindi na siya nakapag pigil hinampas nya ako ulit sa harapan ng mga tropa nya, Kinalmot ko siya then eto na nga nag aawatan mga tropa nya kase nagbubugbugan na kami. Ayaw nya magpatigil sinuntok nyako sa mukha natumba ako, Madulas pa nmn yun. Di ako umiyak kahit naiiyak nako, Ilang beses nyakong sinuntok nun. Lumabas kami dun kami nag away, Sabi nya " Umuwi na tayo! Bugbog ka sa bahay mamaya pagdating natin tanginamo ka ah " then yun ayoko umuwi hinihila nyako sumakay sa tricycle. Ayoko, Then ayun na nga sinuntok nya ulit ako sa Mukha tumalsik na naman ako, yun yung super sakit na suntok na nagawa nya sakin. Hanggang ngayon di ko padin nakakalimutan yun. Hindi ko din sinasabe kela mama yun, pero natrauma ako don. Lumipas ang ilang oras na puro away kami dun sa swimming ng tropa nya, Then sabe ng tropa nya " suyuin mo na kase pre babae yan eh dapat di mo sinasaktan " and then ayun pumunta kami sa isang sulok. Hanggang nagsorry siya, Na ichachat naman nyako para papuntahin dun bakit inaway ko pa siya. Almost 2 hours nyako pinagantay bakit 12 pm pa siya magchachat? And hindi nmn nya talagako chinat nun kase gamit ko fb nya nun nung time na yun tinitignan ko kung online siya baka kase nasa comshop lang. Then ang unang chinat nya is yung tropa nya " Pre bakit wala ka dito? " yun ang chinat nyang una kesa sakin. Dahil martir ako at mahal na mahal ko siya pinatawad ko, Dumaan ang mga ilang araw nagbago siya. Nambubugbog na siya, Nagdadabog kapag nagagalit. Dumating sa time na sinisira na nya mga gamit na binili ko sa kanya " Sisirain ko talaga to tangina mo para hiwalayan monako " yun lagi sinasabe nya. Ilang months ganon yung sitwasyon namin, AWAYAN, BUGBUGAN,BATUHAN,HIWALAYAN then ending ganon padin. Then etong mga july this year 2019 nalaman kong pregnant ako, Sabe ko ipalaglag natin dahil ayoko pa hindi pako handa sabe nya " WAG " ipaalam ko nalang daw kay mama na buntis ako kung di ako tanggapin okay lang daw kase kaya naman namin mabuhay magisa. Then tinanong ko ulit siya sabe ko " Ipalaglag nalang natin kaya? Sa tingin mo? " then sabe nya " Ikaw bahala! " pero hindi ko pinalaglag, Then dun siya onti onti nagbabago. Hindi na nyako nasasaktan physical, lagi nalang siya sa computer nya busy. May sarili kaming mundo, Ako sa cellphone siya naman sa computer. Wala kaming bonding sa isa't isa. Hindi nadin siya nasama sa mga inuman basta lagi nalang siya sa computer nya. Hindi nmn siya natulong sa gawaing bahay kahit buntis nako, Dati kase ako sa hugasan, Linis ng bahay, Paglalaba siya kakain lang at hihiga. Until now ganon parin, Kapag nagugutom ako wala siyang ginagawang paraan busy siya sa nilalaro nya. Hahayaan nyang mamatay ako sa gutom kase busog naman siya. Ngayon nalaman ko na may Second account siya, Ginagamit nya daw yun sa laro nya kapag nakikipag transact/palitan yun ang sabe nya hindi ko alam kase wala naman akong pake sa nilalaro nya. Yung main account nya alam ko pero minsan nalang siya mag open, And magkasama naman kami kaya komportable ak o. Mga sis hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung dapat kobang alamin yung dummy account nya na yun or wag na.. Ngayon ko lang po kase nalaman yung tungkol sa dummy account nya dahil nanghihingi siya ng mga fb ko na mga olds na mga jejemon days. Sabe ko " anong gagawin mo para san ba? " ilang araw nya na kase akong kinukulit dyan. Then sabe nya ipang tatrade nya daw sa points na nilalaro nya so bale 1 fb = 300 points. Then binuksan ko fb nya yung main account then wala naman ako nakita na kausap nya na tungkol sa laro nya or dun sa fb na magpapalitan tas sabe ko " Wala ka naman ka chat ah? " then di siya umimik. Ngayon po ay kinakabahan ako, Hindi ko na ngapo alam kung tama papo yung ginagawa ko kasama siya... Alam nadin po nila mama na buntis ako, And ang gusto po nila ay kausapin ang bf ko. Pero ayaw ng bf ko makipag usap sa kanila dahil may bad background po kami dati sa family ko nung mga panahon na ayaw ng mama ko sa kanya at nakuha pa ni mama na ipabrgy siya para hindi na kami magkita. Pero ngayon tanggap na siya, pero siya di kopo alam kung nahihiya kela mama..

86 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Halika sis, iuntog kita sa pader!!! 😂 Baka sakali matauhan ka!!! 😂 Pag natauhan ka na baka magpa party pa kami ng ibang mommies dito for you!!! 😂😂😂 Yung taong ang alam ay saktan ka lang, hindi sya worth it. Wag mong isipin na wala na magmamahal sayo, may family ka pa na totoong nagmamahal sayo, sa inyo ni baby. Yung ganong klase ng lalaki, ang tawag dun tarantado! Tama ang sabi ng iba, napaka toxic nyang tao and hindi na healthy relationship nyo. Ngayon palang mag isip isip ka na kung talaga bang may future kayo ni baby skanya. Pray ka lang kay God, itatama nya ang pag iisip mo at bibigyan ka ng lakas para harapin lahat ng trials mo. God bless mommy! 🙏 Think 3000x! 😊 Stress mo kami e! 😂😂

Magbasa pa