How to forget the past?

Hi mga sis pano makalimot sa mga nakaraan na mga panloloko sainyo like kase saknya mo nabigay lahat lahat pero niloko ka nya hindi lang dalawang beses o tatlo kundi pitong beses di man sa personal kundi sa chat lang at sa mga dating kaibigan mopa but now may anak napo kame and sabi nya di na nya uulitin at ayaw nyang masira pamilya nyo ang akin lang di na mawala sa isip ko yun lahat lahat dahil masakit paden at sakanya ko naranasan lahat lahat kase ng first kineme ko sakanya ko inalay ganon! Lagi nagbabago mood ko lagi kong naalala yon paranoid na nga daw ako hay help po motivate or what so ever para makalimot sa mga ganung bagay ang hirap po kase mga sis araw araw ka maiinsecure sa mga bagay dahil sa mga nangyari dika mapanatag sa araw araw na pumapasok sya lalo nat may anak na kame nawala na din confident ko mga sis kaya eto ang hirap pasagot mga sis salamat!

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Unang una, hindi ka paranoid. Kasalanan nya kung bakit ka ganyan kasi sinira nya tiwala mo. If you want your relationship to continue, try to build trust again. Pag di nagwork, ifocus mo attention mo sa anak mo.

Totoo mahirap naman talagang makalimot. Pero ikaw din tutulong sa sarili mo, wag mong hayaang yung nakaraan yung kumontrol sayo. Wala ka ng magagawa sa nakaraan e. Ang tangi mo lang magagawa talaga yung tanggapin yun at unti unting kalimutan. Hindi mo naman kailangan madaliin. It’s a long process, i know. Samahan mo ng dasal sis. Kung maiisip mo nanaman, pray ka lang. Nakakagaan ng pakiramdam at ng iniisip pag nagdadasal ka. Pwede ding maghanap ka ng paglilibangan mo. Read books, watch movies wth friends. Makipagkwentuhan ka palagi sa mga kasama mo sa bahay. Wag mong hayaan lagi kang mapagisa, mas lalo mo yun maiisip.

Magbasa pa